Lalisa: Rows, anong order mo?
Rows: Ha?
Tulala si Rows habang hawak ang menu ng napili nilang restaurant, isang steakhouse na itago na lang natin sa pangalan na Biyernes...
Jisu: Uhmm, yung Biyernes Pork Adobo sa kanya. Hati na lang kami dun. Tapos extra rice.
Jenjie: Sure kayong kasya sa inyo yun.
Jisu: Yup. Hindi naman ako masyadong gutom. Saka medyo mahal pala dito.
Jenjie: Don't worry. Sagot ko to. I was the one who insisted that we eat here.
Napagdesisyunan nilang kumain sa resto na pinakakonti ang tao para makawala naman muna sila sa laro nila. Makaraan ang walong minuto, darating na lahat ng order nila at magdidiscuss sila ng strategy habang kumakain.
Lalisa: Bawal na kong tumulong, out na ko e.
Jisu: Actually, pwede ka pa rin tumulong indirectly, pero hindi ka lang magkakapoints na talaga.
Jenjie: Yup. Tulungan mo na lang akong isolve tong pesteng riddle na to.
Ipapabasa ni Jenjie ang riddle kay Lalisa. Mag-iisip lang din to at maguguluhan kung bakit mali ang 1701 at 1708.
Sa gitna ng pagkain nila ay dahan-dahang hahatakin ni Rows yung sleeve ng t-shirt ni Jisu at bubulong siya. Ilalapit ni Jisu ang pisngi niya.
Rows: Jisu, ayoko na. Hindi ko na kaya.
Jisu: Hay naku, ubusin mo yan. Hindi natin alam kung kelan pa magkaka-adobo ulit.
Rows: Hindi yun. I want to tell them na.
Jenjie: Tell us what.
Jisu: Wag muna. Mamaya, pagkakain. Balik muna tayo sa room. Tapos na ba kayo?
Tatango lang sila Lalisa at Jenjie at magbibill-out na sila. Pagkayaring kumain ay babalik na sila sa hotel. Sa kanilang paglalakad ay may makakasalubong silang dalawang estudyante. Makikita ni Lalisa to at ang una niyang ichecheck ay kung may nakalabas bang cellphone yung dalawa. Mapapansin nung singkit na nakaspace buns ang mga mata ni Lalisa.
Yeji: Don't worry. We're on break.
Ryujin: Chill lang kasi. Day 1 pa lang e.
Magsasalubong na sila at paglagpas na paglagpas ay titingin agad sa likod si Lalisa. Nakatalikod pa rin ang dalawa.
Lalisa: Nakakaparanoid tong larong to ha.
Jenjie: Relax ka lang kasi.
Jisu: Let's walk faster.
Rows: ... ...
Pag-akyat sa 17th floor, sama-samang pupunta sa 1708 ang apat at dun naman tatambay. Pagkasaradong-pagkasarado ni Jenjie ng pinto...
Jenjie: Okay... Spill. What's going on with you two?
Jisu to self: Hmmm... How do I say this na hindi sila magagalit?
Rows: KILLER AKO AT AKO YUNG PUMATAY KAY LALISA! SORRY NA TALAGA!
Jisu to self: Fuck.
Rows: SORRY!! WAG KAYO MAGALIT! GUSTO KO LANG NAMAN MANALO PARA KAY JISU E.
Magugulat si Lalisa at Jenjie. Si Lalisa ay mapapaupo lang sa kama at mapapabuntong hininga. Samantalang si Jenjie ay dahan-dahang lalapit kay Rows. Mapapaatras na lang unti-unti si Rows hanggang sa nakasandal na siya sa pader.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...