6:15 AM

145 5 0
                                    

Sa 1712, 6AM

Rows: JISU! GISING BILIS!!!!

Mabilis aalugin ni Rows si Jisu at pilit gigisingin. 

Jisu: Babe naman e. Ano bang meron? Nasusunog ba yung hotel?

Rows: Hindi naman yata. Kausapin ka raw ni Nanay.

Nakahiga pa rin si Jisu ng biglang ilagay ni Rows ang cellphone niya sa tenga nito.

Manang Rosa: Jisu, anak? Nagising yata kita.

Jisu: Tita. Hindi po. Nagtutulug-tulugan lang po ako.

Manang Rosa: Naku Jisu, nay na lang wag na tita. Parang kapatid ka na ni Roseanne ko sa dalas niyang ikwento ka.

Jisu: Haha. Okay po, nay. Bakit napatawag po kayo?

Babangon na si Jisu at si Rows naman ay di mapakali at pilit nilalapit ang pisngi niya sa likod na parte ng phone. Sa isang paglapit niya ay halos magkadikit ang labi nila ni Jisu dahil biglang titingin si Jisu sa kanya.

Manang Rosa: Itatanong ko lang kung nagpapakabait ba yang si Roseanne ko.

Jisu: Syempre naman po. Di ko rin po hahayaang magpariwara tong makulit na roommate ko.

Manang Rosa: E ikaw, okay ka lang din ba?

Jisu: Syempre po. Maganda po dito nay. Nakakatuwa at nakakarelax. 

Manang Rosa: Hay salamat. Buti na lang talaga nandyan ka iha. Nakakakain naman kayo ng maayos dyan? Pihikan din kasi sa ulam yang roommate mo e.

Jisu: Opo nay. Don't worry. Nagrequest po si Maam Nix ng adobong baboy nung unang araw pa lang.

Manang Rosa: Nakakahiya naman. Baka sabihin anak mayaman si Roseanne ko at ang demanding sa ulam.

Jisu: Naku, tuwang-tuwa nga po yung batch namin e. Pero mas masarap po syempre yung luto niyo. Number 1.

Sa ngayon ay tumayo na si Jisu at naglalakad lakad na sa kwarto. Si Rows na nasa kama pa rin ay pasimpleng nakangiti lang habang nakatingin sa best friend niya.

Rows to self: GO NANAY! GO GO GO!!!

Manang Rosa: Sige na... Mag-agahan na kayo dyan. Ang lungkot dito sa college pag wala yung mga first year. Ang aarte kasi nitong mga higher year e. AY NAKU! WAG MO SASABIHING SINABI KO YUN!

Jisu: Hahaha. Pag sumisigaw po kayo nay, magkaboses po kayo ni Rows. Nakakatuwa. Wag po kayo mag-alala, bukas po ng gabi nandyan na kami.

Manang Rosa: Sige na, anak...

Jisu: Sige po nay... Salamat po sa pangungumusta. Ingat po kayo dyan... Eto na po ulit si Rows.

Manang Rosa: Ingat din kayo... ... AY SANDALI PALA! JISU!!!

Jisu: PO?

Manang Rosa: Sino pala yung James na nanliligaw daw sa unica hija ko.

Jisu: JAMES PO? NA NANLILIGAW?

Sadyang nilakasan ni Jisu ang boses niya at tumingin kay Rows ng nakataas ang isang kilay... Mapapalaki ang mata ni Rows at iiling siya ng sobrang bilis.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon