Ssshhhhhh!

179 9 3
                                    

Jisu: Hey... Bakit ang tagal mo?

Rows: Hinintay ko muna lumabas lahat e...

Jisu: Ewww... Uy, bakit inaayos mo pa yang kamang yan? Dito ka na sa tabi ko mahiga.

Rows: Hindi na. Baka madaganan ko pa yung swero mo. Dito na lang ako.

Mapapansin ni Jisu na medyo namumugto ang mga mata ni Rows.

Jisu: Rows? Are you crying?

Rows: Nope...

Jisu: Fine... Were you crying?

Tahimik lang si Rows habang pumipili sa mga dalang damit ng nanay niya. Maririnig niya ang pagkaluskos ni Jisu at pagtingin niya ay bumangon na ito at naglalakad ng dahan-dahan.

Rows: Huy... San ka pupunta?

Jisu: Ayaw mo ko lapitan e, ako lalapit sayo.

Mabilis na sasalubungin at aalalayan ni Rows si Jisu. Nakatayo sila sa gitna ng kwarto. Ngayong mas malapit ay makikita ni Jisu na umiyak nga talaga si Rows.

Jisu: Hey... What's wrong?

Rows: Kasi... Narinig ko kasi kayo ni Nanay.

Jisu: And? Why did that make you cry?

Rows: Nakakainis ka kasi! Sana sinabihan mo ko na chinecheck mo lang pala reaction ng parents mo nung pinakilala mo kong girlfriend mo. Tsk.

Hindi mapigilang hindi ngumiti ni Jisu habang nakasimangot si Rows at nakatingin sa kanya. Sobrang ganda kasi nito.

Jisu: Ha? Ohhhh... Hahaha.

Rows: Tapos tumatawa ka pa!!!! JISU NAMAN E!

Jisu: Sorry na... 

Rows: Bwiset ka, alam mo yun. Kahit may sakit ka, sobrang nakakainis ka ngayon. Kung pwede lang kitang iwan...

Jisu: Babe, I didn't mean to make fun of you or anything. So please don't cry... Ayokong umiiyak ka. At wag mo ko iiwan. Not now, not ever.

Rows: Then stop telling other people na girlfriend mo ko. Naaano ko e... Ewan... Basta.

Jisu: Nadisappoint ka ba kasi chinecheck ko lang or kasi hindi ako nanghingi ng permiso sayo?

Rows: Pareho... Joke ... Ewan... Basta... Kasi naman... Ayoko ng maging single... NAKAKABALIW!!!

Pipigilan ni Jisu tumawa. Pilit siyang inaalalayan ni Rows pabalik sa kama niya. Umiikot lang si Jisu kaya mukha tuloy silang nagsasayaw.

Jisu: Look... Alam kong medyo... how do I say this? 

Rows: Gutom? Uhaw? Tuyot? Tigang?

Jisu: Deprived tayo pareho... Bago ka dumating, sobrang wala akong maramdamang kalinga or pagmamahal dito sa Singapore. Bukod sa driver kong mabait at sa mga hotel staff na nagtatanong sakin how my day was, wala talaga.

Rows: Tinatawagan ka naman namin ah...

Jisu: Iba kasi yun. Hindi naman kita mayayakap at mahahalikan sa video call e. Hindi ko naman mahahawakan yung kamay mo na parang ganto...

Rows: Okay fine... Sana pinapunta mo si Sir Simon dito kung deprived ka pala.

Jisu: NO WAY! Magugulo lang mundo ko pag may nakakita sa min tapos nakarating sa parents ko. I don't want people to know about our non-existent relationship.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon