<3

318 10 4
                                    

Around 2 weeks later... Linggo.

09178654946: Hey Rose...

Roseanne: Wrong number po kayo. Hindi po si Rose to.

09178654946: Ako yung kacurious cat mo for the past 2 months. I got your number from a friend that studies there.

Roseanne: Maling number po binigay sa inyo... Hindi nga po ako si Rose.

09178654946: Roseanne Paras. Mahilig sa adobo? Sobrang cute at nice at amazing.

Roseanne: Hindi ko sasabihing ako yan hangga't di ka nagpapakilala.

09178654946: My friends call me James, but you can call me yours. :)

Roseanne: My friends call me Rows. Take note sa spelling mamser, Rows po, hindi Rose...

09178654946: Can I call you mine?

Roseanne: Ha??? Bakit mine? Paano mo nakuha sa Roseanne yun?

09178654946: Ang cute mo talaga Rows. Haha. Kumain ka na?

Roseanne: Sandali lang... Magproprocess ako...

Ibababa ni Roseanne ang cellphone niya at magbubuntong hininga. Bigla siyang tatayo galing sa pagkakahiga at magtatalon sa gitna ng kwarto.

Jenjie: Okay ka lang?

Roseanne: HINDI AKO OKAY!!!! Nakuha nung ka-cc ko yung number ko from someone at tinext niya ko!!! SHEMAY!!!

Lalisa: Uhmm... Stalker much... Bakit ka kinikilig?

Roseanne: TINANONG NIYA KUNG KUMAIN NA RAW BA KO?!?!! SYET!!! KUMAIN NA RAW BA KO!!! ANG SWEET?

Jisu: Seryoso ba siya?

Lalisa: Looks like it.

Jenjie: Rows, kumain ka na ba?

Tanong ni Jenjie in the most pacute na boses niya. Mapapahinto sa happy dance niya si Roseanne at titingin kay Jenjie.

Roseanne: Why do you have to be like that? Sinira mo tuloy. Tsk...

Hihiga ulit sa kama si Roseanne at makikipag-usap na. Bababa si Jenjie ng kanyang kama sa upper deck ni Jisu at tatabi kay Roseanne.

Jenjie: Huy... Joke lang... Kwento ka pa. Wala ko magawa.

Roseanne: Uhmmm... Sino ka at nasan ang bully ng batch namin?

Jisu: Jenjie, okay ka lang?

Jenjie: Ate, chill... I've decided to make this room as stress free as possible for all four of us, pag pumapasok ako dito, naiiwan sa labas lahat ng problema at galit ko. Cool?

Jisu: Oh...

Magugulat si Jisu at hindi malaman kung anong sasabihin niya. Nakasalubong ang kilay nito at parang ini-inspection yung bawat salitang binitawan ni Jenjie. Tatayo siya sa kanyang study desk at lalapit sa kama ni Roseanne kung saan nakahiga ang dalawa.

Jenjie: WHAT?!! Huy, ginagawa mue?

Jisu: I'm checking if you have a fever.

Lalisa: Jisu, relax. Ayaw mo ba?

Jisu: I don't know... Just don't be all affectionate or anything.

Jenjie: Oh no sis. That's not happening.

Jisu: Mabuti ng clear.

Roseanne: Okay na ba? Pwede ba kong maglandi in my personal space?

Lalisa: Hindi... Share!!!

Jenjie: Share!!!

Jisu: Punta kong library ha. Mukhang mag-iingay kayo.

Lalisa: Linggo ngayon Jisu... Sarado library.

Jisu: Oo nga... Sabi ko punta ko sa uhmmm, sa computer lab, magreresearch.

Jenjie: Nag-uupdate sila. Buong araw silang closed.

Jisu: Punta ko sa jowa ko, okay? Sige, kontrahin niyo yun.

Lalisa and Jenjie / Roseanne: Wala kang jowa. / WALA KANG JOWA.

Jisu: I just need a quiet place to read... At ayoko namang magdemand na hindi kayo mag-ingay.

Pipilitan pang pigilan ni Roseanne si Jisu pero tatapikin siya ni Jenjie.

Jenjie: Thank you, Ate. Sorry na ikaw na naman nag-adjust. Message ka namin pag tapos na kaming maghiyawan.

Magugulat muli si Jisu at hahawakan niya ulit ang noo ni Jenjie...

Jenjie: Wala nga akong lagnat!! GO STUDY BOOK FREAK!!!

Jisu: Ayun. Magaling na nga...

Lalabas si Jisu... After 2 hours ay itetext siya na bumalik na nga. Babalik siya mga 1 hour after the message pa. May dala tong paper bag na may soda, chips at spicy noodles.

Roseanne: Kala ko mag-aaral ka, bakit parang naggrocery ka?

Jisu: Nag-aral nga. Tapos dineliver to for me. Kinuha ko lang sa baba. Game, pwede na rin akong mag-ingay.

Lalisa: Uhmm... Magcracram na actually kami ng mga ipapasa bukas and we need help.

Roseanne: Please!!!

Jisu: Bakit hindi kayo nagpaturo kay Jenjie? Mas matalino sa kin yan when she wants to be.

Jenjie: Hay naku. Ayoko nga mastress e.

Jisu: Fine! Anong topics?

Roseanne: Math!!

Lalisa: Engineering!!

Jisu: Wow... Kaya nga ako nagpremed para wala pareho yan e. Pero fine... I just wanna say na pagdating sa studies, I can get a bit scary...

Jenjie: Labas lang ako ha...

Bababa si Jenjie at makikipagkwentuhan kay Dorm Manager Xy.

Dorm Manager Xy: Ha??? Wala namang nag-iwan para sa kanya.

Lalisa: Jenjie!!! HUHUHU. AYAW NA NAMIN KAY JISU!!!

Roseanne: MAMA!!! PINALO NIYA KO NG RULER SA KAMAY!!!

Jisu: SINO NAGSABING PWEDE KAYONG LUMABAS! BALIK SA KWARTO!!

Dorm Manager Xy to self: Sabi na dapat nagtapos nalang ako ng multimedia e. Video editor na siguro ko ngayon...

Jenjie to self: Ang swerte ko pala... Ang cute ng roommates ko...

Lalisa: Nini...

Nakasad face si Lalisa na tatayo sa harap ni Jenjie. Titingin sa magkabilang side si Jenjie at makikita niyang walang tao. Ieextend niya ang kanyang kamay at yayakap naman ang nagkukunwaring bata na si Lalisa.

Jenjie to self: Especially her... <3

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon