Unang Gabi PART 1

592 22 19
                                    

Lalisa: Lights on or off?

Roseanne: ON!!!

Jenjie: OFF!!!

Jisu: Matutulog na kayo? Mag-aaral pa ko.

Jenjie: Walang assignment mag-aaral ka?

Jisu: Kaya mababa grades mo lagi e.

Jenjie: Kaya hindi ka nagkakajowa e.

Roseanne: SPEAKING OF JOWA, SINO MGA MAY JOWA SA INYO?

Walang magtataas ng kamay. Actually, magtataas sana si Jisu kaso nung nakita niyang walang nagtaas, hindi na lang.

Roseanne: OKAY. WALA!! HAHAHAHAHAHA!!! Huhuhuhu... Panget ba tayo???

Lalisa: The right one will come, Rows. Hintay ka lang.

Jenjie: Sus... Anong mapapala natin sa all girls school na to? Wala man lang lalaki.

Jisu: We have male teachers...

Jenjie: Old ugly guys, ewww. Wait... Is that why you've always had high grades? What do you do, sis? Do you let them do you or do you just love giving head.

Lalisa: HEY!!! 

Jisu: Fuck you...

Magwawalk-out si Jisu ng kwarto. Hahabulin siya ni Roseanne at makikita nitong umiiyak si Jisu.

Roseanne: Huy... Jisu.

Hindi siya papansinin nito kaya hahawakan ni Roseanne ang kamay ni Jisu at hahatakin palabas ng dorm at papunta sa likod ng cafeteria.

Roseanne: NAY!!! TIMPLA KA NGA NG PABORITO KO!

Manang Rosa: SUSME RUS-AN!!! Gabi na, paano kayo nakalabas ng dorm?

Roseanne: Tropa ko si Ate Xy. Taga-ayos ko ng jacket yun e. Sige na nay. Yung best friend ko may problema e.

Mapapansin ni Manang Rosa si Jisu na humahagulgol at hatak ni Roseanne. Nilalamig din ito dahil nakapantulog na at hinatak sa gitna ng gabi.

Manang Rosa: Pumasok nga kayo dito. Bilis.

Ang kwarto ng mga staff ng cafeteria ay isang malaking kusina rin na may mga kama lang sa gilid. Nagluluto ang ibang staff at kakaway lang si Roseanne sa mga ito. Halatang madalas siya dito.

Jisu: Totoo palang anak ka nung nagluluto? Good evening po. Good evening everyone.

Papaupuin ni Manang Rosa si Jisu at pupunta sa isang kalan. Magpapakulo ito ng tubig.

Roseanne: CHILL KA DYAN, BESPREN! TERITORYO NG MGA PARAS TO. 

Jisu to self: What am I doing here? Ohh... That smells great.

After 5 minutes... May iaabot na tray na may basong may kulay dark brown na bagay si Roseanne.

Roseanne: TSARAN!!!

Jisu: What's this? Chocolate?

Roseanne: Secret recipe ni nanay yan. dark chocolate na shavings, tinunaw sa frothed bear brand na gatas tapos may kalahating shot ng decaf na kape.

Jisu: Alam mo ba ibig sabihin ng secret recipe???

Roseanne: Sige na, try mo na...

Uupo si Roseanne sa tabi ni Jisu at excited na naghihintay. Kabado si Jisu na iaangat sa labi niya ang baso.

Jisu: It smells great... And it sounds normal... Here goes nothing...

Roseanne: SANDALE!!!!!

Magugulat ang buong bansa sa biglaang sigaw ni Roseanne. Kukunin nito ang baso at hihipan.

Roseanne: Baka mapaso ka kasi... Sorry na. Inner voice.

Jisu: Maganda sana boses mo kaso sigaw ka ng sigaw.

Roseanne: Ay talaga... Thank you bes. Hahahaha. Ang ganda ko raw nay? Narinig mo yun? Hindi ako mana sayo!

Manang Rosa: Hawig mo nga yung pwet ng lumang kawali dito e. Gabi na, bilisan niyo dyan.

Jisu to self: Fuckk... I thought i was saying that to myself.

Jisu: Boses mo kako. Bingi.

Roseanne: NGUMITI KA NA NAMAN!!! HALA KA!!! NAGJOKE KA PA YATA!!! TANGNA YAN!!!

Manang Rosa: RUS-AN!!! Inner voice.

Roseanne: Ay sorry nay. Tulog na pala yung mga mantika. Bilisan mo na. Ubusin mo na yan.

Hindi namalayan ni Jisu na nangalahati na siya sa masarap niyang iniinom. Tinikman niya ulit ito at masarap nga.

Jisu: Ang sarap po. Salamat maam.

Manang Rosa: Naku. Wag na maam. Nay na lang din. Yun naman tawag ng lahat ng tao dito sa kin. Sya, bumalik na kayo sa dorm at 10pm na. Roseanne o, pinagtabi kita.

May iaabot na mineral water bottle na may lamang something si Manang Rosa kay Roseanne. Unti unti itong parang iniinom ni Roseanne at nagtataka si Jisu. Pamilyar ang amoy.

Roseanne: Nahihiya ka pa. Gusto mo?

Jisu: Ano ba yan?

Roseanne: Yung sabaw ng adobo. Sige na, shot ka na. Sarap yan. Alugin mo lang muna para hindi puro mantika.

Jisu to self: Seriously? Seriously? Wait... Bakit hawak ko na yung bote...

Habang nilalapit niya yung bote sa bibig niya, naamoy niya ang halimuyak ng inulam nila kanina. Naalala niya na first time niyang makadalawang kanin. Hihigupin niya ang sabaw. Hindi ito sobrang alat. In fairness masarap, pero kelangan ng kanin. Pero parang hindi.

Roseanne: May mga buo dyang mararamdaman mo, nguyain mo pero wag mo lulunukin.

Jisu to self: Seriously Jisu... What are you doing? Pero masarap ha... Oily lang...

Roseanne: Ay saka ano pala ibig sabihin nung giving head? Uuluhin mo ganun?

Mapapabuga ng sabaw ng adobo sa gitna ng gabi si Jisu. Nakayuko itong nagpapahid ng bibig na titingin sa besprend niya na may expression na nagtataka at curious talaga. Mapapangiti na lang siya at tatawa. Hindi na naman niya namalayan na inikot niya ang braso niya kay Roseanne at tumakbo sila pabalik ng dorm.


Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon