Late

297 11 3
                                    

Roseanne: Nasan na yung dalawa?
Jisu: Si Lalisa galing sa bahay nila at kinuha yung camera daw niya. Si Jenjie, umuwi rin e. Malamang natraffic.
Roseanne: Aalis na in five minutes yung bus. Ayan na. Magroroll call na. Mama!!!! Si gwapong sir!!!
Jisu: Ha??

Titingin sa harap si Jisu at makikita niyang nakatayo at hawak ang mic ng bus ay si Sir Simon.

Sir Simown: Hey everyone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sir Simown: Hey everyone. Ako ang busmate niyo papuntang airport. Let me check the attendance first. Top of the list... Miss Jisu Kim?
Jisu: Here.
Sir Simown: Kumusta?
Jisu: Sorry??
Sir Simown: I mean, bakit parang hindi kayo excited?? Mas excited namang replies please.
Roseanne: SIR ANG POGI NIYO! ROSEANNE PARAS PRESENT AND SINGLE!!
Sir Simown: That's more like it!!!

Matatapos ang rollcall at si Jenjie at Lalisa na lang ang wala. Pero times up na. Kelangan na nila magcommute or magpahatid. Mamaya pa naman ang flight kaya aabot sila dun. Hopefully...

Mauunang dumating si Lalisa sa school. Pagkatuklas niya na nakaalis na ang bus, maghahanap ng taxi ito ngunit biglang bababa ang bintana ng isang magandang sasakyan.

Jenjie: Lalisa!! Tara!! Naiwan din ako.  Hahaha.

Lalapit si Lalisa sa kotse na hindi man lang niya mawari ang model. Bubukas ang trunk nito at ilalagay niya nag kanyang mga bag. Tapos ay sasara ito automatically at papasok na siya sa sasakyan.

Jenjie: Nanay ko nga pala. Si Manang Kath. Manang, si Lalisa, yung roommate kong takot sa pusa.
Lalisa: Good morning po.
Kath: Iha, ingatan mo si Jenjie ko ha. Kahit mukhang tigreng mangangalmot yan, deep inside maamong kuting yan.
Lalisa: Alam ko naman po. Don't worry po. Ako bahala sa kanya.

Mapapansin bigla ni Lalisa na may malaking pasa sa braso si Jenjie.

Lalisa: Hey... What happened?
Jenjie: Long story. Okay lang.
Kath: Pinilit niya abutin yung maleta na nasa top shelf. Nabagsakan tuloy tapos naitukod niya ung braso niya.
Lalisa: Hay naku Nini. Sana nagpatulong ka kay Manang mo... Ohh..
Kath: Para saan yung oohhh?
Jenjie: Ang cute mo kasi manang. Hahaha.

Matatawa na lang si Lalisa at Jenjie dahil tunay ngang pinagkaitan din ng tangkad si Manang Katharina. Mahihinto nga lang ang tawa nila ng traffic.

Jenjie: Shet...
Lalisa: Traffic nga pala. Jenjie, mag train na kang tayo.
Jenjie: Okay... Kuya, pakitabi naman sa next na subway station.

Dahil mas masaya ang kwento pag inedit natin ng konti ang totoong mundo, sabihin na lang natin na hindi sanay magtrain ang dalawa and at the same time, confusing ang subway system ng alternate universe metro manila. For story purposes... 

Habang buhat ni Lalisa ang backpack niya sa likuran, tinulungan na rin niya si Jenjie sa maleta nito. Naglakad na sila papunta sa station sa ilalim ng mainit na araw. Si Jenjie ay kasalukuyang nakatitig sa city map at tinitignan kung paano sila makakapunta ng airport na pinakamabilis.

Lalisa: Are you sure you know where we're going? Pwede naman tayong magpa-assist.
Jenjie: Trust me...

E mali... Mapupunta sila sa ibang station na medyo mas malapit na sa airport pero hindi pa rin dun. Medyo nakakapressure dahil nagtetext na si Jisu kay Lalisa at hinahanap na sila. Magchecheck-in na raw ang klase.

Jenjie: Oops... Wait lang. Sorry. Eto na talaga.

Lalisa: Let me check? Parang maling line.

Jenjie: Hindi, okay na... Ito na talaga. Tara.

E tama na nga yung kulay at line ng train pero maling number. Hindi pala humihinto dun sa airport na station yung nasakyan nila, mapapabuntong hininga na lang si Lalisa dahil sa inis.

Lalisa: Jenjie, magtanong na tayo please. Tinatawagan na ko ni Sir Simon at Miss Nix.

Jenjie: Hindi na. Tama na to. Babalik na lang tayo ng isang station e. Akin na yung bag ko kung nabibigatan ka.

Lalisa: No! Ako na. Bakit ba kasi ang dami mong dala?

Jenjie: Ayoko kasi ng nagshoshorts kaya puro pantalon dala ko saka jacket kasi malamig. Ayan na yung tren.

At dahil sa sobrang malas nila. Punung-puno yung tren papuntang airport at hindi sila makasingit pareho. Isa lang kasya

Jenjie: Mauna ka na kaya. Baka yung susunod isa lang din yung kasya. Sayang time.

Tahimik na lang si Lalisa. Pagod ito at pawis at nabibigatan.

Jenjie: Hey... Ayan na ulit yung train. Mukhang kasya na tayo.

Lalisa: Let's go.

Matapos ang ilan pang minuto. Tatakbo ang dalawa palabas ng airport na station at papunta sa check-in counter kung saan halos matapos na ang pila ng batch nila.

Jenjie: See? Umabot tayo.

Lalisa: Kung nagtanong ka in the first place, kanina pa sana tayo dito.

Jenjie to self: I was trying to impress you...

Jenjie: Sorry na, Lalisa. Ako na magdadala ng bag ko.

Lalisa: OKAY LANG NGA E! HINDI NAMAN AKO NAGREREKLAMO DI BA?

Saktong lalapit sila Roseanne pagkatapos sigawan ni Lalisa si Jenjie. Kukunin ni Roseanne ang bag ni Jenjie dahil napansin niyang namumula na ang kamay ni Lalisa.

Jisu: Hey... Anong nangyari sa inyo?

Lalisa: Wala... Ewan. Jisu, tabi tayo please.

Jenjie: Wait... Tayo yung magkatabi.

Magwawalk-out lang si Lalisa. At magugulat si Jenjie.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon