Chapter 123: The Last Year

100 8 6
                                    

Principal Irene: Good morning everyone.

Sasagot ang mga first year students na parang grade school. Isang mabagal at halos sabay sabay na good morning na may diin sa MOR ang sasalubong kay Principal Irene.

At dadaan na naman ang isa pang orientation at isa pang simula ng taon para sa mga students ng Kim-Kim College.


After a little over 30 minutes...

Principal Irene: Fourth years, please stay behind, the rest of you may go.

Mauubos ang mga students at ang matitira ay around 150 students na lang. Karamihan kasi ng mga kabatch nila ay either delayed, nakick-out or lumipat sa mas madaling school.

Luluwag tuloy bigla ang auditorium na kasya ang 1000 na tao. Matapos sabihin ni Principal Irene na lumapit lahat sa harapan ay magtatabi-tabi ang limang magkakaibigang babae. Sila Jisu, Rows, Lalisa, Jillian at Seulgi. Sa kabilang side naman ay magkakatabi sila V, James, Jim at Kai.

Jillian: Buti naman hindi ka na nalulungkot pag nakikita mo si Principal Irene, Lalisa.
Lalisa: *spacing out*
Jillian: Lalisa?
Lalisa: Ha??
Jillian: Hay...Tulala ka na naman e. Lalisa, pag may iniisip ka, share mo samin, please.
Lalisa: Sorry. I was just thinking about... Wala. Anyway...
Jillian: Lalisa, please, magmove on ka na. Hindi ka man lang siniseen nung tao.
Lalisa: Nagmove on na naman ako e.
Seulgi: Nagmove on pero ayaw magjowa ng bago.
Lalisa: Ayoko lang. Gusto ko yung next, yun na yung last.
Jisu: Ang swerte ko naman dahil nakita ko na yung last ko.
Rows: Sino babe?
Jisu: Ikaw. Hay naku. Fourth year na pero...
Rows: Cute pa rin. Hehehe. Love you!
Jisu: Love you too!
Seulgi: Hindi ka ba naiinggit Lisa, sa ating lima, ikaw na lang yung single at walang ina-i love you-han.
Lalisa: Ohhh... Right... Pasensya na kung nadodown kayo sakin.
Seulgi: That wasn't what I meant.
Lalisa: Pwede naman akong mag-i love you sa inyo di ba? Love you, Seulgi. Love you, Jisu. Love you, Rows. Love you, Jillian.
Jillian: Kung sinabi mo yan 4 years ago, may naganap sanang gupitan.
Rows: Ano yung gupitan?
Seulgi: Bastos ka rin talaga e. Saan mo ba napupulot yang mga yan?
Jillian: Sayo...
Rows: Hahahahahahaha... Di ko pa rin gets.
Principal Irene: Nirarayuma yung utak ko sa promiscuity niyong mga bata kayo.
Lalisa: Ay sorry po maam. Pasensya na po talaga.
Principal Irene: Okay lang, may hinihintay pa naman tayong isang student. Natraffic yata.
Lalisa: Po? Sino po?


Pagkatanong ni Lalisa nun ay bubukas ang pinto sa kanang gilid ng auditorium. Dahan-dahang dudungaw ang ulo ni Jenjie.

Jenjie: Sorry I'm late. Natraffic po kami ni Nanay Cath. Good morning po, Principal Irene.
Principal Irene: Good morning iha, iwan mo muna mga bag mo dyan sa gilid at umupo ka na.


Excited at dahan-dahang uurong sila Jisu at Rows para magkaroon ng upuan sa gitna nila ngunit ngingitian lang sila ni Jenjie at pagkatapos ay uupo to sa gilid na upuan sa pinakaharap, medyo malayo sa kanila.

Principal Irene: Okay. If I can have everyone's attention. Presently, the school has a total of 948 students. And we have 32 teachers which seems like enough but not by a long shot. Which is why we've decided to ask the help of our exceptional fourth year students to serve as teaching assistants (TA's) for our lower years.


Ipapaliwanag ni Principal Irene kung paanong magseserve as training ito para sa kanila. Kung may kulang pang ojt hours ang student, pwede itong pumalit para doon. Sasabihin rin niya na walang pilitan ito at yung mga gusto lang talaga ay pwede magvolunteer. Bibigyan sila ng allowance at certificate pagkatapos ng school year kung gustuhin nilang magvolunteer at tumulong.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon