Rows

308 9 6
                                    

Around two months after. 7:00 AM

09178654946: Good morning Rows. Sana maganda gising mo. Enjoy your classes! Fighting!

Roseanne: Good morning James. Ikaw rin, enjoy sa classes. Kain marami ha. Say no to abs!

09178654946: Hahaha. Magpapakateddy bear ako para sayo.

Roseanne: Bet ko yan. Sige na. Baka magsawa ako agad sayo pag nangulit ka pa.

09178654946: Ay sige... Message ka lang pag wala ka magawa ha. Ingat po. Kain ka maraming adobo, Babe!

Naging habit na ni Roseanne na makipagtext kay James pagkagising, habang naglulunch at bago matulog. Bukod sa mga roommates niya, wala pa siyang sinasabihan. Hindi niya inaamin kay James na kilig na kilig siya dahil yun ang advice ni Jenjie at parang may sense naman. Kaya hindi niya pinapansin ang pag"babe" nito. Pero hanggang hinliliit niya sa paa, kinikilig na.

Lalisa: Grabe, bilis ng oras no. Patapos na first sem agad. Field trip na lang sa weekend tapos exams next week...

Jisu: Oo nga e, Jenjie, eto nga pala waiver mo. Pinirmahan na ng ating magaling na magulang.

Jenjie: Thanks ate. Rows, okay ka na rin ba?

Kinikilig pa rin si Roseanne habang binaback read ang mga pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay hindi niya sinasave ang pangalan ni James para pag may nakakita, kunwari wrong number lang. Saulo na rin naman niya yung number kaya pwede niya burahin anytime. Pero syempre ayaw niya burahin.

Jenjie: Earth to Roseanne... Papalitan daw ng adobong manok yung adobong baboy sa cafeter--

Roseanne: WAAAHHHH!!!!!!!! TOTOO BA!??!?

Jenjie: Waiver?

Roseanne: HINDI AKO PIPIRMA!! KELANGAN KO NG ADOBO!! WALANG WAIVER WAIVER!!

Jenjie: For field trip... Joke lang yung sa adobo.

Roseanne: MAMA!!! IPAGLABAN NATIN YUNG ADOBO.

Babangon si Roseanne at tatakbo palabas ng kwarto papunta sa cafeteria.

Lalisa: Di ka na natuto. Magbiro ka na about anything, wag lang adobo...

Jenjie: Ang cute kasi niya pag nagpapanic e.

Jisu: Naaawa ako sa mga marurupok sa kabilang kwarto e. Lagi na lang nilang nakikitang tumatakbo ng nakapambahay papuntang cafeteria si Rows.

Lalisa: At least nakabra na siya ngayon. Naalala mo nung nagcollapse si Kiray?

Jenjie: Grabe... May altar na raw para kay Roseanne Paras sa kabilang kwarto ayun kay Jillian.

Lalisa: Buti nga hindi na ako kinuk---

Jillian: My labs!!! Sino na naman nagpaiyak sa santo mama namin?

Jisu: Inisip mo kasi e... Sumulpot tuloy.


Matapos ang isang oras ay babalik na rin si Roseanne. Nakangiti na ito at may dalang malaking tufferware ng kanin at mineral water ng sabaw. Kakain siya ng mahinahon and at the same time marahas habang nanonood lang si Jenjie at Lalisa galing sa top bunks nila... Si Jisu ay nakikisubo na rin.

Jisu: It's quite nice once you get used to it.

Jenjie: We're good. Enjoy!

Lalisa: Hay... 3 hours pa before assembly. Iaannounce na field trip natin.

Roseanne: HALA!!!

Jisu: Don't worry, mauubos natin yan...

Roseanne: Hindi!!! Kulang yung kanin! Labis yung sabaw. Balik lang akong cafeteria. JISU PAG TINUNGGA MO YAN NG WALA AKO, PAPATAYIN KITA!!!

Lilipas ang oras at finally patapos na rin kumain si Roseanne. Dahil sa gutom ay bumaba na rin at nakikain ang LaliJie duo ng biglang may naalala si Roseanne. Nakalimutan niya magcheck ng phone... 7 messages.

09178654946: Hey, lunch time na namin. May field trip din pala kami sa weekend... Haha.

09178654946: Kayo din di ba? What are the chances na sabay field trip ng schools natin.

09178654946: Hey, busy ka yata.. Kala ko wala rin kayo halos pasok ngayon. Ingat, kain po marami.

09178654946: Roseanne? Galit ka ba?

09178654946: Huy... Sorry na, I don't know what I did pero please talk to me.

09178654946: Babe? I'm crying na, putangina. Pupunta ko sa school niyo...

09178654946: On the way na ko. Please talk to me, babe. Mababaliw na ko..

Mapapabuga ng adobong kanin si Roseanne. Si Jisu na kasalukuyang nakayuko nun at sumusubo ng pagkain ay mapapaliguan ng nginuya ngunit hindi nilunok na kanin sa buhok niya.

Lalisa: HAHAHAHA... Anong nangyari?

Jenjie: Omg. Ate... Bagay pala sayo yung may kulay buhok.

Jisu: Roseanne Benjamin Paras... Pag wala kang matinong paliwanag, aadobohin kita.

Roseanne: Papunta si James dito... SHET NA MALAGKET!!!...

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon