Three Days Later

141 11 11
                                    

Mimi: Hay naku. Di ko tanggap besshie. After today malamang hindi ka na jojoiners sa min.

Vice: Oo nga. Feeling ko pagkatapos niyang sociology tsu-tsu niyo na yan, hindi mo na kami papansinin. Hirap na hirap kaming turuan ka magtagalog ha.

Corie: Never besh. I won't make kalimutan the 3 days na kinupkop niyo ko. Tayo pa rin ang OT3 ng Men Gerls.

Vice: Mean girls kasi talaga yun e. Pauso mo kasi Mimi e.

Mimi: Kasalanan ko bang lumabas yung lahi kong bisaya? Pisting yawa to, kala mo kung sino siyang gwapa. Pero Corie, seryosong usapan muna... Aside from me, syempre, wala ka bang natitipuan sa mga babae sa school? Or lalaki, no judgment here.

Corie: Ha? Hahaha. Wala. Hahahaha. Straight ako pero wala kong nagugustuhan. Hahahaha. Aral muna. Hahahaha.

Vice: Try mong hindi tumawa at kumurap ng mabilis pag nagsisinungaling ka.

Corie: Kasi... It's complicated guys.

Mimi: Pustahan tayo pag sinabi mo siya ng mabilis in one sentence hindi siya complicated.

Vice: Game, isang daan!

Seryoso ang mukha nila Vice at Mimi habang nakatitig kay Corie. Si Corie ay nakatingin lang sa relo ng canteen at 12:33 pa lang. 1:00 pa ang next class niya. Hihinga siyang malalim at pabulong na magsasalita.

Corie: They transferred me here to somehow make Jisu fall in love with me but Jisu is in love with Roseanne and I fell in love with Roseanne instead of Jisu.

Mimi: Bes...

Vice: Shit... Complicated nga.

Mimi: Bes... Magbayad ka ng one hundred pesos.

Vice: Ay sabi ko lang isang daan. Isang daang sentimo. Isang daang halik. Isang daang minuto kasama ko sa mainit na gabi.

Corie: No thanks to all of those. I didn't agree to the pustahan naman e. So... What should I do?

Mimi: FOLLOW YOUR HEART!

Corie: I can't... Even if they weren't together, I have no choice but to obey.

Vice: Alam mo ba na meron tayo lahat na libreng gulong.

Corie: I'm sorry... What was that?

Mimi: Besh... Free will hindi wheel...

Vice: Bawal magjoke? Pinapatawa ko lang siya e.

Mimi: Wag ka na lumusot, nakakahiya na sobra...

Corie: I really don't get what gulong has to do with free will. But I get your point.

Vice: So ayun. Kung ako sayo, sabihin mo na kay Rows yung nararamdaman mo. Sa pogi mong yan, I'm sure... Wala, wala kong sureness. Kasi Team Rowsu ako. Huhuhu, sorry Corie.

Mimi: Magmove on ka na. Matibay masyado yun e.

Corie: Yeah. Alam ko naman yon. I just want to hold on to the grief and sadness for a little while longer. Kahit papano, masarap pa rin namang magmahal kahit wala kang makukuhang anything in return.

Mimi whispers to Vice: Trulalu lang sisteret pero sobrang Bitter Ocampo si Papa Corie natin. Konti na lang at crayola na itetch. Anetch na tayo? Enter the dragon na yan.

Vice whispers to Mimi: Magsalita ka ng maayos at itatali ko yang dila mo buhok mo sa ilong.

Mimi whispers: Sabi ko sa totoo lang sobrang bitter at sad ni Corie at konti na lang at huhubells na siya. Siguro naman gets mo yung huhubells. Iiyak, ganun. Laban na kako to. Sunggaban ang talong habang nakatalikod ang matsing.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon