Happy Birthday Jisu

132 7 29
                                    

January 6, first day of classes ng second sem.

Lalisa: WAKEUP GUYS!! MAY PASOK NA TAYO

Jillian: Lisa Macopa, 5 AM pa lang... Maawa ka naman.

Seulgi: Oo nga... Tulog pa tayo sweetie.

Titingin bigla si Lalisa sa bunk sa ibaba niya at makikita niyang magka"spoon" sila Seulgi at Jillian sa kama ni Jillian. Titingin siya kay Irene na nasa taas ng kabilang bunk bed at makikita niyang tulog pa rin to.

Dahan-dahang bababa si Lalisa ng kama niya at kukunin ang kanyang tabo at sabon para ilabas ang mga kinain niya kahapon. Pagdating niya sa banyo ay makikita niya si Jisu na nagsusuklay sa harap ng salamin.

Lalisa: YOW YOW YOW JISUYAH!!

Jisu: San galing yung "Yah"?

Lalisa: Ay ganun yung pacute na tawagan sa Korea. Hehehe.

Jisu: Ohhh... Mukhang sobrang naenjoy mo yung Korea niyo ha. How was it?

Lalisa: Sobrang ganda as in. They managed to preserve their heritage and culture and at the same time improve on it. Hindi ko maipaliwanag. Tapos syempre, ang daming magaganda. Pero as it turns out, sobrang ganda na pala talaga ni Irene ko. Hehehe.

Jisu: Ay wow. I'm glad you enjoyed... Nakakalungkot lang din ng konti.

Lalisa: Ha, bakit naman?

Jisu: Nakalimutan mo nga. Huhuhu.

Lalisa: Hala! Anong nakalimutan ko?

Biglang may magfluflush na toilet tapos lalabas si Rows na may dalang tissue at sabon.

Rows: Hindi mo binati si Jisu ko. Nagbirthday siya nung January 3. Bad ka Lalisa. Tampo ko sayo.

Lalisa: HALA! Seryoso ba? Oo nga, January ka rin nga pala. Nakalimutan ko na pareho kayong January ni Jenjie.

Jisu: So yung birthday ni Jenjie naalala mo pero yung sakin hindi?

Rows: Kelan birthday ni Jenjie?

Lalisa: January 16... Sorry na Jisu... Bawi na lang ako sayo please!

Jisu: Paano ka babawi? Show me...

Lalisa: Anything you want. Ano gusto mong gawin ko?

Jisu: Anything?

Lalisa: Kahit ano. As in...

Jisu: Okay then... Kiss me... Sa lips... Yung seryoso. Matagal ha. With tongue.

Lalisa: HA??

Rows: Kiss mo daw. Wag mo paghintaying fiancee ko huy. Kiss mo na bilis.

Lalisa: Hoy sandali! Anong trip niyo?!?!

Jisu: Hahalikan mo ko or F.O. na tayo?

Rows: Hala ka. F.O. na yan... Tara na nga Jisu... Kakatampo ka Lalisa ha. Pustahan hindi mo rin alam birthday ko.

Lalisa: HUY SANDALI!!

Rows: Kelan birthday ko!!

Lalisa: April??

Rows: Tangna mo rin e!! February birthday ko! TSK...

Jisu: Fail. Selective memory!

Lalisa: Huy sorry na!! Eto na ikikiss na kita.

Magwowalk-out na sila Jisu at Rows na mukhang galit na malungkot. Hindi inaasahan ni Lalisa na ganto ang magiging simula ng second sem niya.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon