Sleep Over

166 8 3
                                    

THE WEEKEND. Bahay nila Jenjie.

Lalapit si Manang Katharina sa pinto at bubuksan ito. May kumakatok kasi.

Lalisa: Hi po Manang!

Katharina: Kung makamanang ka, mas matangkad ka pa sa kin at hindi pa ko ganun katanda.

Lalisa: Ay sorry po.

Biglang may susulpot na Jenjie na nakapambahay. Yung pambahay na mamahalin.

Jenjie: Nay, si Lisa na ba yan?

Lalisa: YOW YOW YOW! JENLISA IN THE HOUSE!

Jenjie: Ang ingay mo... Bwiset ka. Kumpleto dala mo? Laptop and charger?

Lalisa: Check!

Jenjie: External ng movies?

Lalisa: Check!

Jenjie: Extra clothes?

Lalisa: Check!

Jenjie: Tapang para sa horror movies.

Lalisa: Uwi na lang ako. Nang-aano ka e.

Hahatakin ni Jenjie ang bag ni Lalisa.

Jenjie: Iwan mo yung laptop at external. Hahahaha. 

Lalisa: Bwiset!

Katharina: Kayong dalawa ba, ipagluluto pa ng pagkain or magpapadeliver na lang kayo?

Jenjie: Ako na bahala nay. Ipagluluto ko si Lisa mamaya.

Lalisa: Nakupo jusko... Bakit ko pinaparusahan sarili ko?

Jenjie: SIRA! Masarap ako magluto! Tinuturuan ako ni Rows at kahit si Jim, nasasarapan sa luto ko tuwing pinagluluto ko si Jihyo.

Lalisa: Hindi mo gagaguhin pag ako na titikim?

Jenjie: Hahahaha. Secret!

Lalisa: SEE!!! Manang!!!

Katharina: Isa pang manang mo, tatadyakan kita.

Lalisa: Hala... Jenjie... May pinagmanahan ka pala. Hahahaha

Katharina: Bahala kayo dyan. Nasa sala lang ako. Jenjie, wag kayo masyado maingay at nandyan lolo mo, nagpapahinga.

Jenjie: Opo nay. Salamat po.

Susunod na si Lalisa kay Jenjie papunta sa kwarto nito. Except hindi sa kwarto ni Jenjie pumunta si Jenjie.

Jenjie: Lolo... Busy ka?

Lolo Gustavo: Iha, come in. Nagrereview lang ako ng mga expenses para sa school renovations.

Jenjie: Introduce ko lang po si Lisa. Yung roommate ko from school na magstay dito for a few days.

Lolo Gustavo: Lalisa! It's nice to finally meet you. Lagi kang naikwekwento ng daddy mo.

Lalisa: Po?

Lolo Gustavo: Ikaw yung anak ni Mr. Tristan Manopo tama?

Lalisa: Opo.

Nagtataka sila Lalisa at Jenjie dahil kilala ni Lolo Gus ang tatay ni Lalisa.

Lolo Gustavo: Daddy mo kasi ang nagfacilitate nung acquisition nung katabing lupa ng college. Siya yung nakipag-usap dun sa mga land owners para ibenta sa kin yung lupa. Siya rin yung nag-ayos ng relocation nung ilang squatters na nandun. He's a wonderful and honest man. At base naman sa mga kwento nitong apo ko, I can say that he's quite a good father as well.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon