Let The Games Begin!

256 10 5
                                    

Matapos kumain ay naggather ang mga students sa function room ng resort. Sa harap ay nakatayo sila Sir Simon at Maam Nix. Nakamatching yellow pikachu caps sila.

Sir Simown: Is that everyone?

Maam Nix: Yup. We can start.

Sir Simown: Okay. Good morning. I hope lahat kayo ay handa na sa kabaliwan na pagdadaanan niyo ngayon.

Maam Nix: Wait lang sir. Before we continue, sino rito ang nagtanong sa mga kaibigan nilang higher year kung ano ang ginagawa tuwing field trip ng freshmen?

Sa mahigit 240 na students na nakaupo sa malaking function room, wala pa sigurong 20 ang tumaas na kamay. Lalapit si Sir Simown sa bandang likuran at may iaabot na mic.

Maam Nix: Okay. Pwede bang tumayo yung mga nagtaas ng kamay? From the back to the front, pwede niyo bang pakisabi kung anong sinagot ng mga tinanong niyo. Pakipasa yung mic. Go!

Kiray: Sabi sakin, team building exercises daw.

Maam Nix: Team building. I guess you could say that... Lahat ng sinabihan ng team building, upo na. Sayo, iha anong sinabi?

Jillian: Maam. Labanan daw ng bawat college. Arts VS Sciences VS Engineering daw.

Maam Nix: Tama din yan. Although still not accurate. Wala bang magaling mag-interogate sainyo na nakapagpaamin sa higher years?

Uupo na halos lahat ng estudyante maliban kay Lalisa na nakatayo pa rin sa bandang harapan.

Lalisa: Sabi ni Ate Momo... Uhmmm...

Maam Nix: Uy si Momo. Nanalo last year. Anong sabi niya?

Lalisa: Sabi lang niya, panoorin ko raw ung movie na Battle Royale.

May mga ilang estudyante na nagreact sa pagkakamention ni Lalisa nun. Bigla lang naman ngingiti at mapapatawa si Maam Nix.

Maam Nix: Hahaha. Very good Lalisa. That is the closest correct answer.

Jisu: WAIT! Hindi ba patayan yung movie na yun between students?

Maam Nix: Correct.

Si Jisu na biglang tumayo ay halatang confused at nakatingin lang kay Maam Nix at naghihintay ng further explanation.

Maam Nix: Syempre walang patayan na magaganap. Ang totoo ay ibang event every year ang ginaganap para hindi makapagprepare in advance ang mga estudyante. Dahil ang premyo ng mananalong student ay priceless.

Magbubulungan ang mga estudyante at may mga magtataas ng kamay. Tatawag lang si Maam Nix at random.

Seulgi: Isang student lang ang mananalo?

Maam Nix: May mga taon na group ang nanalo, at may mga taon naman na isang student lang. Depende sa event actually... ... Yes iha?

Jenjie: Ano yung price?

Maam Nix: Ang sabi lang sakin ay bibigyan ka ng isang wish ng school.

Rows: ANO YUNG BATTLE ROYALE MAAM?

Maam Nix: Isipin mo iha, parang Hunger Games.

Rows: HALA KA?! MAGGUGUTOMAN TAYO? AYOKO NA SUMALI!!

Dahan-dahang iuupo ni Jisu ang katabi niyang si Rows na nagsisimula ng maging teary-eyed.

Maam Nix: Anyway, kung may tanong pa kayo, to be continued na lang. Ang dapat niyong malaman ngayon ay... nagsimula na yung event bago pa tayo dumating dito...

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon