Lunch

379 13 3
                                    

Nakaupo sa isang square na lamesa yung apat. Nakangiti si Roseanne at Lalisa. Nakataas ang kilay ni Jisu at nakacross ang arms ni Jenjie habang naghihintay na may magsalita?

Jisu: Alam naman natin na self service tong cafeteria and yet bakit parang naghihintay tayo ng waiter...
Roseanne: AKO NA BIBILI.
Jenjie: Ayoko na ng adobo.
Jisu: Anong issue mo sa adobo?
Lalisa: Wait lang, bago kayo mag-away ulit... Kami na ni Jenjie bibili, ano gusto niyo?
Jenjie: Hell no, kung ayaw niyo ko ibili, I'll find someone else who will.

Tatayo si Jenjie at hahanapin niya ang mukhang pinakamadaling utuin. Lalapit siya sa isang table na puro nagcecellphone lang at walang mga ginagawa.

Jenjie: I need someone to buy me lunch. Follow me to our table.
Jillian: Ako!! Willing ako!!

Uupo na ulit siya. At nakangiti at nakataas ang isang kilay.

Jenjie: Look, Jisu. A waitress. You, bilhan mo ko ng fried chicken.
Jillian: COPY!!
Roseanne: Jillian, okay lang ba talaga?
Jisu: You can say NO to her. Hindi mo kelangang sundin utos niya.
Jillian: Hindi naman sya nag-utos. Nagvolunteer talaga ako.
Roseanne: IN THAT CASE, SIGURO NAMAN ALAM MO NA!!!
Jillian: Adobong baboy!! Dalawang kanin
Jisu: Ako fried chicken din... Tapos dalawang kanin. Tapos hingi ka ng sabaw kay Manang. Alam na niya yun.
Jillian: COPY!! Sayo my labs?

Mapapailing na lang si Lalisa sa mga nangyayari, seryoso ba to? Kahit si Roseanne, magpapabili na rin? Mag-uutos talaga kami?

Lalisa: Samahan na kita. Hindi mo naman mabubuhat yun e.
Jillian: PUTANGINAMO!!! AY SORRY!!! Nabigla ako... Sure ka? Hindi mo ko kelangan ientertain, masaya ko sa dynamic natin na wala kang paki.
Lalisa: Tara na. Wala pa rin naman akong paki. Ayoko lang matapon yung pagkain.

Pabirong sagot ni Lalisa. Nakangiti silang aalis ni Jillian na nagtatawanan. Mag-shashake hands ang dalawa at mag-aappear, samantalang nakataas na naman ang kilay ni Jenjie na parang galit habang nakatingin sa kanila.

Jenjie to self: E di kayo na masaya. I don't care. Tangina. I don't...
Roseanne: JENJIE!!!
Jenjie: WHAT!! STOP SHOUTING!! I SAID I DON'T CARE...

Tatayo si Jenjie at magwawalk-out ng cafeteria. Si Jisu ay mapapatayo rin na parang gusto sumunod pero makikita niyang nakasibi si Roseanne na parang naiiyak.

Jisu: Huy. Don't cry. Masanay ka na sa roommate natin.
Roseanne: Hihingin ko lang naman sana yung balat ng manok niya e. Kasi napansin ko dati, hindi niya kinakain... Bakit kelangan niya ko sigawan??
Lalisa: O nasan na si Jenjie?
Jisu: We have no idea. Eto bayad o, sama mo na yung sa katabi kong chipmunk.
Roseanne: Hoy!!! May pera po ako excuse me.
Jisu: Bakit ayaw mo pa rin dukutin?
Roseanne: Ililibre mo ko, di ba?
Jillian: Ayan, omaygad. Pwede ko ba kayo picturan? Takteng mga kutis yan, pinaglihi ba kayo sa labanos?
Lalisa: Jillian, stop acting like a fan and sit down. May bakanteng upuan na o. At may extrang fried chicken.
Jillian: HOYYY!!! Sandali... May balat yang manok na yan kanina di ba?

Titingin ang lahat kay Roseanne na ngumunguya...

Jisu: Kelan pa naging malutong ang adobo?

Tatawa silang apat. Si Jenjie na nakadungaw galing sa labas ay mapapalitan ang galit ng inggit.

Jenjie to self: You should have stayed. Tanga ka kasi e. Pwede ka pang bumalik.

Lalakad si Jenjie palayo ng cafeteria at papunta sa gym.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon