Pagkatapos ikwento ni Jisu ang lahat...
Jenjie: You mean to tell me na anak siya ni Sir Simon at ni Miss Suzy?
Jisu: *nods*
Seulgi: Kaya sila magkasama sa Watsons! Jill, di ba sila yun? Naalala mo?
Jillian: *nods*
Rows: At kaya sobrang saya ni Sir Simon ay pinayagan na siyang dalawin si Sophie anytime he wants?
Jisu: Yup. Kahit ako raw pwede puntahan si Sophie anytime since close na rin kami.
Jihyo: At naging close kayong dalawa ni Sophie dahil nga... well, yun...
Jisu: Mahina pandinig niya so you can say it.
Jihyo: You and Sir Simon are--
Rows: were...
Jihyo: Sorry. You two were dating?
Jisu: *nods*
Tahimik ang kwarto. Nakatingin lang si Jisu kay Sophie na busy at nagdradrawing sa table ni Jisu.
Rows: Kaya ka ba nagmamadali kanina, babe?
Seulgi whispers to Jillian: Bakit babe? Sila ba?
Jillian whispers to Jillian: Oo pero hindi nila alam pareho.
Jisu: Yeah... Nakisuyo si Miss Suzy kung pwede ko raw ba salubungin si Sophie sa gate. Nagkaroon ng emergency yung sitter niya dahil daw sa bagyo. Since hindi siya pwedeng iwan mag-isa sa bahay, hinatid siya dito. E may class si Miss hanggang 7.
Jenjie: Alam naman ng school di ba? Yung tungkol kay Sir Simon at Miss Suzy.
Jisu: Hindi ko nga alam e. I guess alam nila. Although, hindi alam ni Sir Simon na nandito si Sophie ngayon.
Jillian: Bakit hindi niya alam? Bakit sayo pa pinaalaga?
Jisu: Sa tingin ko, ayaw lang nila Sir Simon at Miss Suzy na kumalat na may anak sila together. Not that kinakahiya nila si Sophie. Ayaw lang nila nung tsimisan at mga issue na lalabas pag nalaman yun.
Jihyo: Yeah... I understand that part.
Irene: Sophie??
Susubukan tawagin ni Irene si Sophie ngunit hindi siya naririnig nito.
Jisu: Pwede mo siyang lapitan, Irene.
Tatayo si Irene at lalapit kay Sophie sa table ni Jisu. Hahatakin niya ang upuan ni Rows at uupo sa tabi ni Sophie. Magdradrawing din ito at makikipagkwentuhan sa bata.
Jenjie: Lalisa, okay siya ha. She's good with kids.
Tahimik lang si Lalisa. Hindi niya narinig si Jenjie dahil may iba siyang iniisip.
Jisu: Anyway... You guys should go. Patapos na yung last class ni Miss Suzy at ayoko namang makita niya kayong lahat dito.
Jihyo: Mahal, tara. Bibili pa tayong dinner ulit. Hindi lang yung lakas ng boses ang kapareho niya kay Rows e. Pati yung love for adobo. Hahaha.
Rows: Hehehe. Ganyan talaga pag magaganda.
Jenjie: Message mo na lang ako pag nasundo na siya, Chichu. And you should tell Miss Suzy that we know and that we can help too.
Jisu: I will. Sige na guys.
Rows: Samahan kita dito babe. Okay lang ba?
Yayakap si Jisu kay Rows sabay halik sa tuktok ng ulo nito.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...