Habang deflated na naglalakad pabalik ng dorm si Lalisa, makakasalubong siya ng kanyang Ate Momo na may kasamang babae.
Momo: Lalisa! Bakit parang nanalo ka sa lotto tapos napanghugas mo ng pwet yung ticket kasi wala kang tissue?
Dahyun: Fail sweetie. Fail.
Lalisa: Ate...
Yayakap na lang si Lalisa kay Momo bigla at iiyak ng dere-deretso. Cut to nakaupo silang dalawa sa bench sa may Arts and Sciences building. Si Dahyun ay kababalik lang na may dalang tubig.
Momo: Bitch talaga yung Mina na yun. We'll make sure that she never bothers you again.
Lalisa: Kahit na... I think I broke her arm. Siya yung top spiker ng volleyball team natin and I broke her arm...
Dahyun: Acting lang yun. This ain't the first time na nangyari yan. Nung first year siya, mga limang beses yatang "nabali" yung balikat at braso niya.
Sinabayan ni Dahyun ng air bunny qoutes yung salitang nabali. Uupo na to sa likod ni Momo, at ililingkis ang kanyang mga braso sa katawan nito sabay halik sa leeg.
Momo: Sweetie ko nga pala. Si Dahyun. Dahyun, alaga ko, si Lalisa.
Lalisa: Hi Ate Dahyun.
Dahyun: Sabihan mo lang ako pag may nambubully sayo sa mga kabatch namin.
Lalisa: Sophomore kayo pareho?
Momo: Yup... Si Mina ay isa sa mga uncontrollable bitches na porke't varsity at nabiyayaan ng konting ganda, akala mo reyna na.
Lalisa: I still hope she's okay...
Biglang darating si Jenjie na naglalakad galing clinic. Makikita niya ang tatlo. Lalapit ito at hahatakin lang ang braso ni Lalisa patayo at paalis. Tatayo si Dahyun at hahawakan din ang arm ni Jenjie para pigilan siya.
Dahyun: Uhmmm... Excuse me, nag-uusap kami??
Lalisa: It's okay ate. She's my roommate.
Jenjie: Let go of my arm.
Sobrang seryoso ng tingin ni Jenjie. Hindi mo alam kung gusto ba nitong pumatay or tumae.
Momo: Lalisa, if you need anything, send me a message. And Jenjie, right?
Jenjie: What?
Momo: Hindi ka magsusurvive sa college sa ganyang ugali. Just saying. Let's go sweetie.
Dahyun: Bitch...
Jenjie: Whatever.
Babalik sa pagjojogging ang Dahmo at nakatayo pa rin si Lalisa sa may gitna ng daan sa gitna ng AS (Arts and Sciences) building at cafeteria. Hawak pa rin ni Jenjie ang braso niya. Ngayon lang marerealize ni Lalisa na nanginginig ito. Mapapayuko na lang siya because of the mess she made.
Lalisa to self: Oh no... She's so mad... What do I do?
Lalisa: Nini... I'm really sorry. I didn't mean to hurt Mina... I hope sh--
Bigla niyang mararamdaman ang dalawang kamay ni Jenjie sa kanyang mga pisngi.
Jenjie: Hey... Ayos ka lang ba? Did she hurt you? Tanginang Mina yun. I know a real broken shoulder when I see one... Okay ka lang ba Lili?
Magugulat si Lalisa sa pag-angat ni Jenjie sa mukha nito. Worried para sa kanya si Jenjie, kitang kita sa mga mata nitong maluha-luha na rin. Hindi mapigilan ni Lalisa ang sarili niya at mapapayakap na lang siya kay Jenjie.
Jenjie: Hey!!! Shhhh... Stop crying. Hindi na tayo guguluhin nung bwiset na yun.
Lalisa: Tayo?
Jenjie: Yes. Ikaw at ako, tayo? What??
Lalisa: Wala...
Patuloy lang sa paghaplos si Jenjie sa likod ni Lalisa. Iaakyat niya ang kanyang kamay at hahaplusin ang likod ng ulo nito. Maaamoy niya ang pawis ni Lalisa.
Jenjie: Balik na tayong dorm. Amoy tao ka na.
Lalisa: Ikaw amoy siopao.
Jenjie: What did you fucking say to me?
Lalisa: Huh? Joke lang. Akala ko pwede na magbiro.
Jenjie: Ahahaha. You should see your face, Lili.
Lalisa: Nini!!!
Earlier...
Mina: Ang saket talaga... That bitch just approached me and said she wanted to talk. Pag hindi raw kita nilayuan, she'll make sure na hindi na ko makakapagvolleyball ulit. Tapos she even threathened---
Jenjie: She's gone okay. Just drop the act.
Bibitawan ni Jenjie si Mina at sadya niyang itutulak yung "baling" balikat at braso nito.
Mina: Well... I'm surprised that you noticed.
Jenjie: So kaliwete ka pala?
Magtataka si Mina sa tanong ni Jenjie. Bigla na lang siyang magugulat na nakuha na ni Jenjie ang kanan niyang kamay at natwist papunta sa likod niya. Sobrang sakit. Ito no-joke na talaga.
Mina: FUCK!!! STOP IT YOU BITCH!!!
Jenjie: Why? You don't need this arm anyway...
Mina: Fuck you!! WHAT THE HELL DO YOU WANT!!
Mahigpit ang pagkakaarm lock from behind ni Jenjie kay Mina. At nararamdaman ni Mina na parang napupunit ang kanyang right shoulder ligaments. Sobrang lakas ng hiyaw nito at naiiyak na siya sa sakit.
Jenjie: Stay away from her and stay away from me.
Mina: FINE!!! JUST LET ME GO! PLEASE!
Jenjie: Say it bitch. Say you won't bother Lalisa and me ever again.
Mina: I WON'T BOTHER LALISA AND YOU EVER AGAIN! OKAY???
Bibitawan na ni Jenjie ang braso ni Mina. Babagsak sa lupa si Mina at hindi niya maigalaw ang kanan niyang kamay. Magwawalk-away lang si Jenjie sa umiiyak at sumisigaw na second year na humihingi ng tulong.
Jenjie to self: She deserved that... She deserved all of that.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...