Matapos ang isang dance number mula sa hotel staff at isang song number mula sa 5 scholarship students aka ITCHY, si Lalisa na ang sasayaw. Namatay lahat ng ilaw sa restaurant at nagsimulang tumugtog ang "I Like It" ni Cardy B. Tapos may bubukas na spotlight na nakatapat kay Lalisa. Simpleng greyish blue na tape jeans, black na Dr. Martens boots, kulay puti na cropped ribbed bra top, oversized na green checkered polo na nakabukas at baseball cap na adidas ang suot niya. Pero wow...
Lahat ay nakatingin kay Lalisa habang siya ay sumasayaw.
Jisu: Alam niyo ba na ganya pala siya kagaling sumayaw?
Iiling lang ang 6 na kasama ni Jisu sa table ng halos sabay-sabay.
Rows: Syet... Na-aattract ako. Sorry babe.
Tatango lang ang 6 na kasama ni Rows sa table ng halos sabay-sabay.
James: Okay lang... Same...
Jim: Same...
Jenjie: Same...
Jihyo: Same...
Jisu: Same...
Jenjie to self: Shit... I wanna touch those abs so bad...
Pagkatapos ng kanta ay magfafade ulit ang ilaw at tapos ay maghihiyawan lang lahat ng kung anu-ano hanggang sa magkasundo ang lahat sa isang hiyaw.
Everyone: Isa pa! Isa pa! Isa pang chickenjoy...
Si Lalisa na ginamit ang dilim para bumalik sa table nila ay nagblublush at nahihiya ng konti. Pagbukas ng ilaw ay katabi na ulit siya ni Jisu at Jim.
Lalisa: Kayong dalawa!
Saktong pipitikin niya sa noo ang dalawa nung bumakas yung ilaw.
Rows: OMAYGASH! LALISA!! ANG GALING MO GRABE! BAKIT HINDI KA NAGSASABI NA DANCER KA PALA!
Lalisa: Wala namang nagtanong e.
Jisu: Hala ka... Ang dami na namang lalapit sayo for sure.
Jenjie: Lalisa, ayaw mo bang magbihis muna?
Lalisa: Hindi na. Mas kumportable to...
Jenjie: Can you at least button your shirt. Medyo, nakakadistract yung abs...
Rows: Huhuhu. Wag mo takpan yung ulam... Huhuhu
James: Babe... Napalitan na ba ang adobo sa paboritong ulam mo? Hahahah
Rows: AY HINDI! AT LEAST YUNG ADOBO PWEDE KO TIKMAN AT KAININ. SI LALISA HINDI E...
Pagkasabing pagkasabi ni Rows nun ay may mga ilang pisngi na magblublush sa lamesa.
Jihyo: Awkward... Wait lang... Sino yung kumakanta?
Mapapatahimik sila lahat at mapapatingin sa stage. Kung saan nakatayo sa gitna si Seulgi at kumakanta... Isang emosyonal na ballad ang babalot sa stage. At isa-isang tatayo ang mga students at magsslow dance habang kumakanta si Seulgi.
Mapapansin ni Jenjie na ang daming nakatingin sa table nila. Karamihan ay nag-iipon pa ng tapang lumapit ngunit may mga ilan na halatang handa ng tumayo at ayaing sumayaw si Lalisa. Tatayo si Jenjie at lalakad papunta sa side ni Lalisa at titingin sa mga nakatingin.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
Hayran KurguSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...