Room 2L4 (second floor, left wing, fourth room)
Rows: WOW!!! Ang ganda nung bagong kwarto!
Jenjie: Huh? Patingin nga.
Sisingit si Jenjie kay Rows na nakaharang sa pintuan ng bago nilang dorm room. Makikita niya na walang pinagkaiba ito sa dati nilang kwarto.
Jenjie: Rows naman e. It's exactly the same!
Rows: Hindi kaya! Nasa 3rd floor tayo last year pero ngayon sa second floor na lang!
Jenjie: Ibig ko sabihin, walang pinagkaiba yung loob.
Rows: Hay naku Jenjie, ayan ka naman. Tignan mo kasi mabuti. Tapos mag-inhale ka. Ambango kaya saka ang linis.
Jisu: Ganyan din yung kwarto natin last year nung first day. Bumaho lang by the end of the year. Di ko sinasabing madungis tayo pero...
Jenjie: Parang ganun na nga. Hahaha.
Tatalikod si Rows at makikita niya si Jisu na nakatayo sa likod ni Jenjie at may malaking backpack at isa pang malaking bag na buhat. Lalapit siya at tutulong.
Rows: Uy... Ako na magdadala niyan. Baka mabinat ka pa.
Jisu: Thank you. Tara na sa loob. Nakaharang tayo sa daan.
Jenjie: Si Lalisa wala pa?
Pagkatanong ni Jenjie nun ay maaalala niya. Hindi na nga pala nila roommate si Lalisa. Ngingitian lang siya ni Jisu at si Rows naman ay pinapakinggan ang bag ni Jisu kung may pagkain ba itong laman.
Sa kaliwang bunk bed, bottom si Rows at top si Jisu. Sa kanang bunk bed naman, minamarkahan na ni Jenjie ang pagiging top niya para si Jihyo ang maging bottom.
Jisu: Nasan nga pala si Jihyo? Nandito na yung gamit niya pero hindi pa siya nag-aayos ng kahit ano. Wala pang bedsheet yung kutson nya.
Jenjie: As usual, taking photos ng freshies among other things. Busy yun.
Rows: Anong clubs pala jojoinan niyo? Second year na tayo so kelangan na natin mamili. Ako sa food club. Hehe.
Jisu: I feel like joining the drama club.
Jenjie: Hindi pa ba sapat yung drama sa buhay mo, ate?
Jisu: I'm hoping gumaling akong umarte na okay lang ako.
Jenjie: Huy... Baliw ka rin e. Kung hindi ka okay, hindi ka okay. Nandito kami. First day pa lang, ang emo mo agad. May nangyari ba na di namin alam?
Jisu: Tsk... Wala. Namimiss ko lang si Lalisa. Sorry na. I'm fine.
Rows to self: Nagsisinungaling siya. May something.
Saulong-saulo na ni Rows si Jisu. At alam nitong may tinatago si Jisu. Ngunit bago pa niya matanong ay darating na si Jihyo na pagod na pagod at may buhat na 8-piece bucket ng chickenjoy.
Jihyo: UY! Nandito na kayong lahat. Sakto. Kain tayo my new roommates! Huhuhu. Pagod na pagod na ko.
Pagkaabot ng pagkain kay Rows na sinalubong siya ay kay Jenjie na dederetso si Jihyo at yayakap.
Jenjie: Mahal, pawis na pawis ka. Magpalit ka muna at matutuyuan ka niyan.
Jihyo: Mamaya na. Kain muna tayo para yun na yung pahinga ko. Tapos shower tayo after.
Jenjie whispers to Jihyo: Sabay? Hehehe.
Jisu whispers to Rows: Ang saya pala ng maliit yung kwarto, kahit bulungan dinig.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...