Habang nasa ere ang eroplano. Seats 7B (Lalisa) and 7C (Jisu)
Jisu: Hey. What happened? That was the first time na nakita kong nagalit ka.
Lalisa: Wala. Hindi ko lang napigil sarili ko. Ayoko kasing nalalate ako tapos ako yung hinihintay. Tulad nung nabasa ko sa wattpad, "why be on time when you can be early". Sorry ha, pinilit kitang tabihan ako.
Mapapayuko si Lalisa at dahan-dahan namang aayusin ni Jisu ang bangs niya, sabay himas sa tuktok ng ulo, pababa papuntang pisngi. Aangatin ni Jisu ang mukha ni Lisa ng dahan-dahan. Magkakatinginan sila.
Jisu: Lalisa, do you like Jenjie?
Lalisa: Ha?? HINDI AH!! EEWWW! Wala akong gusto dun!
Jisu: Ang cute mo pag nagpapanic, and you're blushing. Awwww...
Lalisa: Do I like her?
Jisu: Isipin mong mabuti Lalisa. Having feelings for someone and liking someone, that's not the same thing. Kung may gusto ka kay Jenjie or kung gusto mo lang talaga siya can mean two very different things? For example, I really like you. But I don't have feelings for you.
Lalisa: HUY! Hinaan mo naman boses mo.
Jisu: Nung una kong pasok sa school na to, sobrang takot at nahihiya akong makipag-usap sa tao. Pero dahil kay Rows, sayo at kay Jillian na rin, I overcame that fear. Kahapon nga nagkwekwentuhan kami ni Kiray tungkol sa adobong manok versus adobong baboy e.
Lalisa: Ha? E di manok yung isa tapos yung isa baboy?
Jisu: Sorry, naoff-topic tayo. That's not the point. Ang point ko lang is, I changed. And I can tell you with absolute certainty, that because of you, Jenjie changed as well. Natuto siyang magthank you at magsorry. Natuto siyang makisama. And I think I like her now, too.
Lalisa: I see your point... Pero sobrang badtrip lang talaga ko kanina.
Jisu: Nagsorry siya. That's a very rare thing that happens. Jenjie apologized and how did you respond?
Lalisa: Sinigawan ko siya...
Jisu: At nagwalk-out ka. Tapos nakipagpalit kang upuan.
Lalisa: I messed up, didn't I?
Jisu: You were right to be mad. Pero I hope you'd try to understand her side as well.
Lalisa: Thank you, Jisu.
Isasandal ni Lalisa ang pisngi niya sa kamay ni Jisu at ngingiti. May sweet moment sila. Saktong may dadaan na Jenjie papuntang CR... Tatanggalin ni Jisu ang kamay niya. Magsasalita sana si Lalisa ngunit dere-deretso sa CR si Jenjie.
Lalisa: Hala, nakita yata niya tayo.
Jisu: Tapos?
Lalisa: Baka kung ano isipin niya...
Jisu: At nag-aalala ka dahil?
Lalisa: Ayokong isipin niya na sayo ko may gusto...
Jisu: Dahil? Kaya mo yan Lalisa.
Lalisa: Kasi... sa kanya ako may gusto... Fuck. I have feelings for Jenjie.
Jisu: Yes you do. Ohhh. Here she comes.
Mabilis ang pagdaan ni Jenjie pabalik sa upuan niya. Tatayo si Lalisa at mapapansin niya, kahit nakayuko ang ulo ni Jenjie, na parang naghilamos ito dahil may patak ng tubig sa gilid ng kanyang mga mata. Mabilis ang lakad ni Jenjie. Halos tumakbo na siya pabalik sa upuan nila ni Chaeng. At bago pa mavoice out ni Lalisa ang iniisip niya...
Jisu: Don't rush. Alam kong gusto mo siyang lapitan. Or gusto mong tanggalin ang airplane mode ng phone mo at subukan siyang imessage. Hayaan mo lang muna. Baka hindi pa niya narerealize yung dapat niya marealize. And knowing her seatmate, it might take a bit longer...
Lalisa: What do you mean?
Jisu: Lalisa, hindi mo ba nahahalata?
Lalisa: Ang alin?
Jisu: Jenjie has feelings for you as well.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
Fiksi PenggemarSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...