Pagdating sa kusina ay kukunin ni Jenjie ang nakasabit na puting apron sa gilid ng ref.
Jenjie: Patali ng likod.
Lalisa: Owkie... Ayos na ba yan or higpitan ko pa?
Jenjie: Okay na. Thank you.
Maghuhugas ng kamay si Jenjie at kukunin ang mga ingredients sa ref. Si Lalisa ay nakatayo lang at nanonood.
Lalisa: Give me something to do, please.
Jenjie: Maggadgad ka ng cheese.
Lalisa: Owkie.
Aabutan ng grater at keso ni Jenjie si Lalisa. Pagkatapos ay sisimulan niyang hugasan ang mga gulay at iprepare. Back to back sila ni Lalisa habang nakaharap sa sink si Jenjie at gamit ni Lalisa ang lamesa sa gitna ng kitchen.
Jenjie: Wag ka masusugat ha.
Lalisa: Grabe ka naman. Marunong naman ako maggadgad.
Jenjie: Sinasabi ko lang... Baka may magalit sa kin pag nasugat ka e.
Lalisa: Baliw... Hindi ako masusugat, don't worry.
Jenjie: OOHHH!!! So may someone na pwedeng magalit!?!
Lalisa: How did you even come to that conclusion?
Jenjie: Kasi ang typical reply would be "Baliw, walang magagalit sa yo..." Pero ang sabi mo ay "Baliw, hindi ako masusugat."
Lalisa: HAHAHA. Dapat nag LAW ka. LAW-KA LAW-KA ka e!
Jenjie: Ay joke ba yun? Tatawa na ba ko?
Lalisa: Tse...
Jenjie: Okay ka na sa cheese?
Lalisa: Yup. Kakatapos po.
Iaabot ni Lalisa ang bowl ng cheese kay Jenjie. Iaabot naman sa kanya ni Jenjie ang patatas at bellpeppers na hugas at malinis na.
Jenjie: Cubes yung patatas. Mas malaki lang ng konti sa menudo. Tapos strips yung bellpeppers.
Lalisa: Grabe ka rin e. Ayaw mo ko masugat pero sakin mo pinapagawa yung mga may kutsilyo.
Jenjie: Would you rather debone this chicken?
Ipapakita ni Jenjie ang hawak niyang fillet knife at ang chicken breast na kasalukuyan niyang hinihiwalay sa buto.
Lalisa: Ikaw na dyan. Sure akong masusugat ako dyan. In fairness... Ang galing mo nga. Pang serial killer ang knife skills mo.
Jenjie: Thank you, I think? Okay ka na ba dyan?
Lalisa: Ay sorry... Pinapanood kita. Hahahaha.
Babalik sa pwesto niya si Lalisa at maghihiwa. After a few minutes ay maririnig niya ang pag-on ng kalan.
Jenjie: Pag okay ka na, dump the potatoes dito sa pot of water. Set aside mo lang yung bellpeppers.
Lalisa: Yes chef. Okay na po.
Jenjie: Let me see.
Ichecheck ni Jenjie kung pantay pantay ang hiwa ni Lalisa. Mapapangiti siya.
Jenjie: Good job. Now go wash your hands. Thank you.
Lalisa: Yes chef!
Susunod si Lalisa pagkatapos ay uupo na sa harap ng table. Papanoorin niya si Jenjie na nakatalikod sa kanya. Hindi niya mapigil ngumiti habang pinapakinggan kumanta si Jenjie.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...