Clowns

149 8 2
                                    

Pagpasok na pagpasok pa lang ng tatlong grupo sa loob ay nahalata na ni Jenjie na may kakaiba. Madilim sa loob ng annex at walang mga nakasinding ilaw. Puro kandila lang, tapos puro agiw at mga kurtinang sumasayaw sa hangin. Pangingilabutan si Jenjie. Gusto na niyang lumabas.

Hahatakin niya palabas si Rows ngunit pipigilan siya ni Rows at titignan. Hindi nagsasalita ang dalawa. Bawal kasi. Pumunta sa kanan sila Wonyoung at Sakura, samanatalang sa kaliwa naman sila Jillian at Vice.

Rows to self: Kaya ko to... Para kay Jisu... Kaya natin to Jenjie...

Hihigipitan ni Rows ang harak sa kamay ni Jenjie. Si Jenjie naman ay iiling lang. Hahawakan ni Rows ang pisngi niya. Basa ang pisngi ni Jenjie at simula pa lang ay pinapawisan at naluluha na ito. Kukunin ni Rows ang phone niya at may-itatayp na message.

Rows cellphone: GUSTO MO NA BANG LUMABAS?

Tatango si Jenjie. Saktong may biglang sisigaw ng malakas.

Jillian: HOY!!! PANGET PANGET PANGET!!!!

Tatakbo bigla sila Jillian at Vice na galing sa kaliwang hallway at lalabas na... Mapapayakap si Jenjie kay Rows at mararamdaman ni Rows na nanginginig si Jenjie. Magtatayp ulit siya sa cellphone niya. Hindi na allcaps ngayon. Hahalikan niya ang tuktok ng ulo ni Jenjie at ngingitian ito.

Rows cellphone: Okay lang. Tara na. Marami pa namang ibang event.

Tatango si Jenjie at titingin siya kay Rows na nakangiti. At mapapansin ni Jenjie na sa likod ng ngiti ni Rows ay malungkot ito. Nanghihinayang...

Jenjie to self: It's just a stupid game...

Tapos ay maaalala niya kung bakit naglalaro si Rows...

"Rows: SORRY!! WAG KAYO MAGALIT! GUSTO KO LANG NAMAN MANALO PARA KAY JISU E."

Jenjie to self: Para kay ate nga pala... It's not a stupid game. It's her way out...

Palabas na rin sana si Rows ng biglang huminto si Jenjie at pinigilan siya. Magtataka si Rows at titingin kay Jenjie. Nagpapahid ng luha ito at nagtatype sa cellphone niya.

Jenjie cellphone: Kakayanin ko to. For Jisu.

Mapapangiti lang si Rows at muntik ng salita. Tatakpan lang ni Jenjie ang bibig niya at mapapangiti sila pareho...

Rows cellphone: Tara, elevator.

Jenjie cellphone: Nakaoff yun malamang pero sige tara.

Pagdating nila sa elevator... Nakaon ito! Pipindutin nila ang "UP" button at makikita nila na pababa ito mula 3rd floor. Nakaharap lang si Rows sa elevator habang si Jenjie ay nakayakap sa kanya sa gilid at nakatingin sa likod nila.

DING!

Rows to self: SHET...

Bago pa tumingin si Jenjie sa elevator ay hahawakan na ni Rows ang ulo niya at iiiwas. Aatras si Rows ng hawak si Jenjie at tinititig lang sa kanya. Lalakad sila paatras at palayo sa elevator. May maririnig na mga ungol at tawa si Jenjie galing sa likod niya. Hahawakan niya ang mga kamay ni Rows na nasa kanyang pisngi.

Jenjie to self: SHIT... What's behind me? What's behind me...

Hindi niya alam kung titingin ba siya or pipikit. Maglalanding ang mga mata niya kay Rows. Nakangiti at nakatingin sa kanya tapos titingin sa likod niya at magpapacute na didila ng walang tunog. Tapos titingin kay Jenjie at may sasabihin ng walang tunog. "PA--NGIT"

Jenjie to self: Anghit??

Sisinghot si Jenjie... Mabango naman siya. Muntik ng matawa si Rows at lolobo ang pisngi. Mapapangiti na rin finally si Jenjie.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon