Flashback muna...

144 8 5
                                    

Sa isang village sa Quezon City... 6PM nung araw ng dating nila Jisu at Rows galing Singapore. May biglang kakatok at may magbubukas ng pinto.

Simon: Hey. Ang aga mo ha. Come in. Nagluluto pa ko ng dinner. Wait lang.

Jisu: Hi. Thank you. Si Sophie nasan?

Simon: Nandyan sa sala. I think she fell asleep.

Papasok si Jisu at magtatanggal ng sapatos. Pagkasarado niya ng pinto ay nandun ang shoe rack at may bakanteng pwesto dito na parang sinukat ang sapatos ni Jisu.

Bumalik na si Sir Simon sa kusina at dahan-dahan namang lalakad si Jisu papunta sa sala. Maririnig niya ang TV na nakabukas at pagpasok niya sa sala ay wala siyang makikita.

Biglang may lilitaw na ulo sa sofa na nakatalikod kay Jisu.

WOOF WOOF WOOF!!

Iikot ang maliit na puting aso palapit kay Jisu. Sasalubungin ito ni Jisu at bubuhatin.

Jisu: Wow. Ang bango mo naman. Namiss mo ko?

WOOF!!

Jisu: Kiss nga?

Didilaan ng aso ang pisngi ni Jisu at uupo muna sila sa sofa. Ilalabas ni Jisu ang cellphone niya at magseselfie silang dalawa.

 Ilalabas ni Jisu ang cellphone niya at magseselfie silang dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jisu: Hay... Mukha akong stressed. Tsk... Hindi pa rin ako sanay na nakacontacts.

FLUSH!

Biglang bubukas ang pinto ng CR na nasa gilid ng sala at may sisigaw ng malakas.

Sophie: ATE JISU!!!

Jisu: Hey Sophie. I'm back!!!

Sophie: YEY!!!~~~ NAMISS KITA ATE!! SOBRA!

Jisu: I missed you, too. Kumusta?

Uupo ang 5 year old na batang babae sa tabi ni Jisu at lilipat ang asong nagngangalang Bear sa kanya.

Sophie: OKAY NAMAN ATE. ANG SAYA NUNG MGA TREATMENT KO! HEHE!

Hahawiin ni Jisu ang buhok ni Sophie at ilalagay sa likod ng kanang tenga nito. Makikita ni Jisu ang tenga ni Sophie. Nakadikit pa rin ang outer ear nito sa kanyang ulo at nahaharangan ang ear canal.

 Nakadikit pa rin ang outer ear nito sa kanyang ulo at nahaharangan ang ear canal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon