Kinabukasan...
IU: GO!!
Jenjie: Okay ka na ba dyan sa pwesto mo? Kumportable ka? Nandito yung remote ng TV at aircon sa side table.
IU: GO!!
Jenjie: If you need anything, call me. Okay?
IU: Pag ikaw hindi pa umalis, Magbabackflip ako dito.
Jenjie: BYE!!!
Kabado at worried pa rin si Jenjie pagkalabas niya ng kwarto. Sinigurado niyang yung malalapit na events lang ang icocover niya para madali siyang makakabalik sa hotel kung sakaling tumawag si IU.
Pupuntahan niya ang event ni Sir Simon na based sa escape room kung saan 5 student galing sa bawat floor ang magpapabilisang makalabas ng isang "bodega".
Sir Simon: Jenjie, gusto mo bang sumama pumasok sa loob? Bawal ka magcoach though.
Jenjie: Gusto ko sana sir kaso... ... Wala namang clown sa loob no?
Sir Simon: Wala iha. Don't worry. Hindi horror yung theme nung escape room.
Jenjie: Okay. Mabuti ng malinaw, sir. Ayoko maulit yung last year. Anong floor po ba yung next na magpaparticipate?
Sir Simon: 15th floor. Nagreready na sila.
Tatango si Jenjie at pupunta sa area ng mga students na nagreready. Makikita niya sila Somi at Hani kasama ang tatlo pa nilang kasama sa 15th floor.
Pagpasok sa loob ay magugulat si Jenjie dahil sobrang seryoso maghanap ni Somi. Halos masira na yung mga props sa paghahanap niya. Wala pang 3 minutes at matatapos na nila yung unang puzzle kung saan kinailangan nilang magnetin ang susi na nakatago sa drain ng banyo.
Pagpasok sa pangalang part ng room ay maooverhear ni Jenjie ang pag-uusap ni Hani at ng iba pang students.
Yiren: Hani, bakit parang sobrang motivated niyang roommate mo?
Soo-bin: Oo nga. Ano bang nangyari dyan? Nalaglag lang sa cliff, nagbago na.
Mia: It's as if she wants to win.
Hani: Hindi ko rin sure guys... Pero oo, gusto raw niyang manalo.
Mia: Why though?
Biglang dudungaw si Somi mula sa kabilang kwarto.
Somi: Because the floor that wins gets to compete for the grand prize.
Yiren: Ano ba yung grand prize?
Somi: It's a wish. The winner last year got to study in Korea.
Mia: OHHH... Bakit hindi mo sinabi agad?!
Yiren: Nagtatagalog ka pala Mia.
Mia: I'm sorry. What was that? Let's find that key please. No more talking.
Matatawa si Jenjie at maaalala niya ang time nila sa field trip last year. Kahit na sobrang daming nangyari ay nag-enjoy pa rin naman sila at naging mas malapit sa isa't-isa. Habang nagrereminisce siya ay pipicturan niya ang mga freshie at ang kwarto. Mukha itong kwarto sa hotel.
May kama, sofa, TV na hindi gumagana, may painting ng planet earth at CR na walang flush. Habang umiikot siya ng tingin ay magkakasalubong ang mga mata nila ni Somi. Magugulat si Jenjie dahil lalapit sa kanya si Somi.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...