Bad Day

102 8 4
                                    

Masayang maghihiwalay pagkatapos mag-agahan sila Jenjie at IU. Papunta si IU sa face your fears na side event sa may beach at si Jenjie naman ay icocover ulit ang main event na treasure hunt sa kabilang dulo ng resort.

Imemessage niya si Lalisa habang naglalakad.

Jenjie: Good morning. Ikaw ba yung assigned dun sa face your fears na side event?

Lalisa: Hey. Good morning, Jenjie. Si Kai yung assigned dun. Why do you ask?

Jenjie: Oh. Ibibilin ko sana si Jieun. Pakibantayan lang sana. Sige salamat. I'll contact him na lang.

Lalisa: Grabe sa pag-aalala ha. Nakakamiss yang ganyan ka.

Jenjie: INGAT KA HA! Dahan-dahan sa pagclick ng camera, baka masaktan yung fingers mo. Wag ka magchachat habang naglalakad, baka bumunggo ka sa poste. Drink 8 glasses of water rin.

Lalisa: Tse.

Jenjie: :D

Pagtingin ni Jenjie sa harap niya ay muntik na siyang bumangga sa poste. Titingin siya sa paligid niya at thankfully, mga sampung tao lang ang nakakita.

Mabilis ang takbo ng oras dahil very exciting ang events. Pagdating ng 11:30 ay magmemessage na si Jenjie kay IU kung saan niya gusto maglunch ngunit hindi nagrereply to.

Iisipin na lang ni Jenjie na baka busy pa si IU kaya mag-iiwan siya ng message na siya na ang bahala sa lunch at imisscall na lang siya ni IU pag available na siya.

Lalabas ng resort si Jenjie at pupunta dun sa malapit na mall. Magtatake out sana siya ng pagkain para sa kanila ng marealize niyang hindi niya alam kung ano pa ba ang mga gustong kainin ni IU.

Saktong magriring ang phone niya at tatawag si IU.

Jenjie to self: Ayun... Nagmisscall na.

Irereject ni Jenjie ang tawag at magmemessage na sana ng magring to ulit.

Jenjie to self: Ay namiss ako. Hahaha. Sayang load mo, Jieun.

Irereject ulit ni Jenjie ang tawag at siya na ang tatawag kay IU. Pagkasagot nito ay mabibigla si Jenjie.

IU: Nini?

Jenjie to self: Something's wrong.

Aalis si Jenjie sa pila ng restaurant at tatakbo palabas ng mall pabalik ng resort hotel.

Jenjie: Nasan ka?

IU: Sa clinic nung resort. Nini, naaksidente kam--

Hindi na maririnig ni Jenjie ang karugtong ng sinasabi ni IU. Hawak niya ang phone niya at mabilis siyang tatakbo papunta sa clinic.

Hingal na hingal siyang darating dun at makikita niya si Kai sa labas ng saradong pinto.

Kai: Jenjie. Buti nandito ka na. Maybe you can convince her. Hindi siya nakikinig sa mga doktor. Ayaw niyang tan-- SLAP!

Jenjie: I called you earlier and I asked for one thing.

Hindi makakareact si Kai. Papasok si Jenjie sa loob ng clinic at makikita niyang nandun din si Maam Nix kasama ng dalawang babaeng nurse.

Sa magkabilang panig ng kwarto ay may dalawang kama. Sa kaliwa ay nakahiga si Somi. At sa kanang side naman ay nakasandal si Jieun sa pader at tinutulak ang mga nurse na pilit humahawak sa kanya.

IU: NO! I'M OKAY! I FEEL FINE!

Maam Nix: IU iha. Gusto lang icheck nung mga nurse para sure. Sige na, tanggalin mo na yung rash guard mo.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon