Nakarating na sa Club Paradise Resort and Hotel ang mga estudyante. Pares-pares silang nagself check-in sa mga terminal sa front lobby ng hotel. Isa-isa nilang ininput ang kanilang mga pangalan, scan ng passport at last step ay selfie gamit ang tablet ng hotel.
At syempre ang late nating mga bida ay huling darating. Madaling makakapagcheck-in sila Rows at Jisu dahil sanay na si Jisu sa ganitong sistema. Maiiwan na naman sa lobby si Jenjie at si Lalisa na hindi pa rin makapag-usap ng matino dahil sa mga realization nila.
Jenjie: Lalisa, una ka na.
Lalisa: Ha? Okay... Paano ba?
Jenjie: Enter mo lang yung pangalan mo tapos scan ng passport.
Lalisa: Tapos?
Jenjie: Selfie ka dyan sa tablet...
Sobrang hindi man lang makatingin sa mata ng isa't-isa ang dalawa. Puro sila nakaw tingin ngayon pag pakiramdam nila ay hindi nakatingin yung isa. Ngunit siyempre nagkakahulihan din. Tapos kanya-kanyang effort na magtago ng kilig. Parang mga timang. Magagandang timang.
Jenjie to self: Ang ganda niya. Grabe. May ibang lahi ba siya?
Lalisa to self: Bakit ganun siya makatingin? May muta ba ko?
Itututok tuloy ni Lalisa ng todo ang tablet sa mukha niya at masyadong malapit ang selfie. Makikita ni Jenjie to at matatawa na lang dahil hindi na niya mapigilan.
Lalisa: Tawa ka dyan?
Jenjie: Ano ba naman kasing selfie yan? Bangs at ilong?
Lalisa: Maganda pa rin. Haha.
Jenjie to self: SOBRA... Hay Nini, kelan ka pa naging marupok... At least hindi ka mabaho.
Jenjie: Sige na nga. My turn.
Gagawin rin ni Jenjie yung mga steps. Sa dulong parte, mapapatingin siya kay Lalisa na kunwari ay hindi nagpapay-attention.
Lalisa: Sandali? Bakit nilandscape mo yung selfie mo?
Jenjie: Hindi kasya yung pisngi ko. Kailangan kita yun. Asset ko yun e.
At dahil marupok din si Lalisa. Mapapayuko ito, pikit, ngiti, iling at tawa.
Lalisa to self: Ang rupok mo rin kasi e.
Lalisa: Anong ginagawa natin, Nini?
Jenjie: Nagsasayang ng oras sa tablet ng hotel?
Lalisa: Hindi yun. I mean, okay naman tayo di ba?
Jenjie: Well. Tinanggap mo na ba yung sorry ko? Hindi ko alam kung galit ka ba or not.
Lalisa: Hindi ako galit pero if it would make me feel better. Then I accept your apology. And thank you. Yung lang ba ang dahilan kung bakit hindi mo ko makausap.
Jenjie: Oo naman...
Lalisa: Wala kang gustong itanong?
Mapapaisip si Jenjie... Bigla siyang magblublush...
Jenjie to self: Shit... Should I ask her? Wait... Bakit alam niyang may gusto kong itanong?
Lalisa: Nini? Natulala ka na naman...
Jenjie: Wala... I'm good. Wala ka bang gustong sabihin?
Lalisa to self: Sabihin? Hala... Is she telling me to tell her how I feel? WAIT! Does she know how I feel? Ako ba ang huling nakarealize na may feelings ako for her? Ganun ba kababa ang EQ ko?
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...