Chapter 145: Huling Sayaw, Huling Hapunan, Huling Yakap, Huling Halik

120 10 5
                                    

Dere-deretso lang ang after-party ng mga students. Hanggang 4:00 AM kasi nakareserve ang venue para sa kanila. Kaya for tonight, wala silang ibang kailangang gawin kung hindi mag-enjoy, sumayaw at magwala kasama ng mga kaibigan nila.

At ngayong 3:30 AM na ay unti-unti na nilang nararamdaman ang pagtatapos ng kanilang huling event bago mag-exams at grumaduate..

Seulgi: Guys, last chance niyo na para magwala. By tomorrow, magrereview na tayo lahat for the exams. So... Kaya pa ba?
Lalisa: KAYA PA!!!!
Seulgi: Rock and roll!!

Sesenyas si Seulgi sa banda at sabay na tutugtog ang pianista at gitarista habang si Seulgi naman ay sinesenyasan si Jillian na umakyat sa stage kasama siya.

Aakyat si Jillian sa stage para sumali sa duet at iaabot sa kanya ni Seulgi ang mic.

"Ito na ang ating huling sandali..."

Seulgi: WHOOOWW!!! JOWA KO YAN!!!!

"Hindi na tayo magkakamali."



Habang kumakanta ang dalawa ng acoustic version ng "Huling Sayaw"  ng Kamikazee ay pasimpleng hahalikan ni Jennie ang pisngi ni Lalisa. Nakaupo lang ang dalawa dahil medyo pagod na rin sila pero ayaw pa nilang umakyat sa kwartong binook nila sa hotel.

Lalisa: What was that for?
Jenjie: Wala lang. Kiniss lang kita.
Lalisa: Well... Do you wanna dance?
Jenjie: Huling sayaw natin?
Lalisa: For tonight...

Tititigan ni Jennie si Lalisa at pagkatapos ay ngingiti siya sabay iling. Isasandal niya ang ulo niya sa balikat ni Lalisa at aakbay naman si Lalisa dito para kumportableng maka-lean over si Jenjie sa kanya.

Jenjie: Okay na ko dito.

Habang nakatingin si Lalisa sa stage ay marerealize niya na kanina pa kumakanta si Seulgi.

Lalisa: Grabe. Buti hindi pa napapaos si Seul. She's been singing since midnight. I don't think nakapagsayaw na sila ni Jillian.
Jenjie: Oo nga no. Uhmmm... Do you mind if I go up there?

Magugulat si Lalisa. Naririnig niyang kumakanta si Jenjie minsan pero hindi niya inaasahan na magvovolunteer to na kumanta sa stage.

Sobrang excited tuloy siya. Kaya naman hindi niya pipigilan si Jenjie na umakyat sa stage at kunin ang pwesto nila Seulgi at Jillian.

Seulgi: O. Jenjie, bakit? Ikaw kakanta?
Jenjie: YUP! Sumayaw naman kayong dalawa. Kanina ka pa nakatayo dito e.
Jillian: Ay hindi ako tatanggi dyan. Let's go!!!

Pipili ng kanta si Jenjie pagkatapos ay kukunin pa ang gitara nung isang naggigitara. Habang ginugoogle ng banda ang mga kailangan nilang chords ay magsasalita si Jenjie.

Jenjie: Hi guys! So for the last 30 minutes, ako muna kakanta para makapagsayaw naman si Seulgi at Jillian. I hope you guys don't mind.
Lalisa: WHOOOWW!!!! GO NINI!!
Jenjie: This song is dedicated to my Lili.

Imbis na magsayaw ang ibang estudyante ay mapapahinto sila at mapapatingin sa stage.

Jillian: Wow...
Seulgi: Yeah...

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon