April 18, Ninoy Aquino International Airport Terminal 3
Jisu: Ingat ka dun ha. First time mo magtratravel na walang kasamang pamilya. Wag ka hihiwalay, baka mawala ka.
Rows: Kasama ko naman si Chef Martha. Saka marunong mag-italian si Chef Charm. Hehehe.
Jisu: Okay. Sorry kung tinatrato kitang parang bata ha.
Rows: Okay lang po. Baby mo naman ako e. Hihihi.
Jisu: Bawal ka uminom okay? Maximum na yung isang tikim ng wine just in case mag wine tasting kayo. Sinabi ko na kay Chef Martha so siya magbabantay sayo.
Rows: Opo~~
Jisu: Ayokong istorbohin ka masyado kaya maggugood morning at good night lang ako based on my timezone.
Rows: Yup. Ako unang magmemessage pag namimiss kita or may kwento ko or wala lang.
Jisu: Wag mo na kami bilhan ng pasalubong ha. Saka yung competition enjoy mo lang.
Rows: Jisu?
Jisu: Sorry. Sumobra na ba ko sa bilin?
Rows: Hindi naman. Pero pwede bang magbilin ka habang yakap ako? Kasi matagal kitang hindi mayayakap e.
Jisu: Okay... Come here.Yayakapin ng mahigpit ni Jisu si Rows at patuloy lang silang mag-uusap. May dalawang nakatingin lang kila Jisu at Rows habang nakikinig.
Chef Jason: Charm, mukhang wala ka talagang pag-asa.
Chef Charm: Yeah. Still, she's too cute not to flirt with. Okay na rin yung alam kong walang patutunguan yung paglalandi ko.
Chef Jason: Just don't do anything that might affect the competition please.
Chef Charm: Don't worry. That's still my priority. Chef Roseanne is just the icing on top of the cake. The sweet, sweet icing I want to lick.
Chef Jason: I don't even know why we're friends.
Chef Charm: Kasi may crush ka sa kin. Hahahaha.
Sasakay na ng eroplano ang grupo nila Rows. Tatlong student chefs, at dalawang chef mentors, sila Chef Joe at Chef Martha. Katabi ni Rows si Chef Charm sa eroplano.
Chef Charm: Do you want to know some basic italian, Chef Roseanne?
Rows: Chef Charm, kahit Rows na lang. Ang haba nung Chef Roseanne e. Tapos pwede bang magtagalog na lang tayo?
Chef Charm: But I'm cuter when I speak in English.
Rows: Hahaha. Pareho lang Chef Charm.
Chef Charm: Fine. Pero call me Charm na lang rin.
Rows: Okay, Charm! Alam ko na yung good morning, good night, thank you, sorry at do you have food. Ano pa bang importanteng Italian phrases.
Chef Charm: Well, isang dapat alam mo in all languages ay "I love you"
Rows: Ay alam ko na rin yun. Ti amo.
Chef Charm: You're saying it wrong though. Wag mo madaliin. Ang direct translation niyan ay "you, I love". Say it again.
Rows: Ti amo?
Chef Charm: Better. Isa pa ulit with feelings.
Rows: Ti amo~
Chef Charm: Ti amo anch'io~~
Magugulat si Rows dahil biglang isasandal ni Chef Charm ang ulo niya sa kanyang balikat.
Chef Charm: Hindi naman magagalit yung girlfriend mo pag ginawa ko to di ba?
Rows: Ay hindi. Go lang. Hehehe. Kahit naman napapalibutan na ko ng sobrang daming tao, siya lang nakikita ng puso ko e.
Chef Charm: Sayang. Sana una kitang nakilala. Sei Bellissima, Roseanne. Sei cosi dolce, mi amore.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...