Habang nasa gitna ng field yung LaliJie, ang Rosu naman ay may ginagawang milagro sa kwarto..
Jisu: Oh god. Yes please. Kanan mo...
Roseanne: TALAGA?? GUSTO MO YUN? AKO RIN E!!!! E ITO...
Jisu: Ay... Di ko bet... Thank you, next. YAN!! Wow...
Roseanne: UHMMM... BABAE YAN???
Jisu: She's cute though. Hahaha.
Roseanne: EWWWWW.
30 minutes earlier.
Roseanne: AYIEEEE~~~!!!
Jisu: Are you okay?
Roseanne: YIIEEEE~!! AIYYSSSHHHH... ISTAPET... AY WAGPALA!!!
Jisu: Huh? What did I do??
Roseanne: HUH?
Jisu: HUH??
Roseanne: KAUSAP MO BA KO ROOMIE??
Jisu: Akala ko kausap mo ko... Yung kilig mo umaabot sa kama ko...
Lilipat ng kama si Roseanne at tatabi kay Jisu. Medyo masikip pag dalawa pala kayong nakahiga sa single lang na bed... Unless of course magkapatong kayo... Ahihihi. Pero hindi sila magkapatong, okay?
Jisu: Uhmmm... What are you doing? Also please don't shout pag ganto tayo kalapit.
Roseanne: Shhh... Bonding time natin. May nagtatanong kasi sa curious cat ko. Ang sweet grabe.
Jisu: Not to sound uncool or stupid pero... Ano yung curious cat? Is that like a sex thing?
Roseanne: TANGNA NITU!!! HENDDEEEE!! SA TWITTER UN!!!
Jisu: ROWS!!! WAG KA SABI SUMIGAW!!!
Mapapangiwi at sara ng mata si Roseanne sa biglang sigaw ni Jisu sa tenga niya.
Roseanne: Sorry na. Ito naman o. Curious cat ay anonymous na pagmessage sa tao dito sa twitter. Safe space for landian.
Jisu: O---kay... So may kalandian ka na hindi mo kilala?
Roseanne: Hindi ko nga alam kung isang tao lang ba to e. HAHAHAHA. Ay sorry. Pero alam ko iniisip mo... What if serial killer or whatever. Okay lang, hindi ko naman siya imemeet ever.
Jisu: But you have pictures of yourself posted right? With the school address tagged. At pati room number mo pinost mo na rin... Wait, nagselfie tayo yesterday, pinost mo rin ba??
Roseanne: Oops...
Jisu: Hay naku ka... Kung maglalandi ka rin lang kasi, sa tinder na lang... Look.
Ilalabas ni Jisu ang phone niya at masaya silang magswa-swipe right, left, up up down down left right left right, b a b a, select start. JOKE!
Back to the present.
Jisu: Kung maka-EEWWWW ka parang siya hindi pa nagandahan sa ibang babae.
Roseanne: Aside from my myself, wala ng ibang maganda sa paningin ko...
Jisu: Talaga lang ha... Si Lalisa? Sobrang barbie like and perfect ng skin niya.
Roseanne: NO THANKS! TAKOT AKO SA GIRAFFE...
Jisu: Grabe ka. Stop shouting please. E si utol kong bitchy pero hot. Even I can't deny that she has a certain appeal.
Roseanne: Si Jenjie?? Hala ka... Hindi kaya irelate ng utak ko yung maganda sa kanya. Fierce pwede. Strong pwede. Pero I can't beautiful. Saka, sa totoo lang, kung may matataypan man akong babae, gusto ko yung simple lang din, na hindi kelangang mag-ayos na tsiks lang sa simpleng paraan. Ganun. Parang...
Jisu: Ako?
Roseanne: Ha? HINDI HA!!! YAK!!! NAMU JISU NAMU
Jisu: Mura mo wagas ha. No, I mean... Ako, anong comment mo sa itsura ko?
Iiikot ni Roseanne ang katawan at ulo niya. Kung kanina ay naka straight higa on her back siya, ngayon ay naka sideviews facing Jisu siya. Sa kanyang pag-ikot ay dadampi, Huteyna ayan na po, ang kanyang buhok sa kanyang mukha at matatakpan ang kanyang mata. Hindi tuloy niya napansin na nakaharap na rin sa kanya si Jisu. Aayusin to ni Jisu at hahawiin papunta sa likod ng tenga ni Roseanne. Kasabay ng pag-attempt din na pag-ayos ni Roseanne.
Kamay sa kamay. Habang biglang makikita ni Roseanne na...
Roseanne to self: Okay... Ang lapit ng mukha niya. Ambango ng toothpaste niya, amoy bubblegum... PUTANGINA!! Hindi pa ko nagsisipilyo.
Sa kanyang internal monologue, bigla siyang mapapa-exhale at tulad ng inaasahan nating lahat...
Jisu: Wow... Adobo... Hahahaha. Sipilyo rin minsan Rows.
Babangon na bigla si Roseanne at kukunin ang kanyang toothbrush, sabon, shampoo at biglang maliligo.
Roseanne: Sige... Uhmmm... Ligo lang muna ko... And... ... I think... ... Oo... I that... ...
Jisu: I that??
Roseanne: WALA!!! SIGE NA DALAWA TAYONG MAGANDA OKAY????
Jisu: Awww... Kinikilig siya. Hahaha
Magmeme face reaction lang si Roseanne kay Jisu bago dumeretso sa banyo. Si Jisu naman ay babalik lang sa pagkakahiga. Bigla niyang ichecheck ang kanyang tinder app na nakabukas pa rin. Sa messages... Ang dami. Babangon ito at pupunta na sa desk niya para mag-aral.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...