Room Assignments

610 33 30
                                    

Pagkatapos ng kanilang mga klase.

1 Message Received

Lalisa: 3L5... Okay... Sana mabait roommates ko...

1 Message Received

Jenjie: Fuck... Third floor.

1 Message Received

Jisu: Okay. Third floor. Left Wing. Fifth room.

Roseanne: UY!!! 3L5 KA RIN!! HI ROOMIE!!!

Magugulat si Jisu sa matangkad na babaeng susulpot bigla sa tabi niya. Malakas ang bunganga nito at may hawak na banana cue sa isang kamay at coke na nakaplastic with yellow straw. 

Jisu: Excuse me...

Roseanne: HUY SANDALI! SAN KA PUPUNTA!! MAY CLASS KA?

Jisu: Uhmmm... Cafeteria?

Roseanne: AY SIGE. SALAMAT. AMBAIT MO NAMAN PALA.

Jisu: I didn't... Uhmm... I wasn't inviting you.

Roseanne: YES. THANK YOU. LET'S GO.

Susubukan bilisan ni Jisu ang kanyang lakad ngunit ganap na mas mahaba ang bawat hakbang ni Roseanne.

Roseanne: I'M ROSEANNE.

Jisu: Jisu.

Roseanne: WHAT A BEAUTIFUL NAME!! RELIHIYOSO SIGURO MAGULANG MO? JOKE!!

Jisu: ... ... ... So... You're my roommate?

Roseanne: OO. 3L5 KA RIN DI BA?

Jisu: Pwede bang pahina ng boses? Nakakapagod kang pakinggan e.

Magugulat at masasaktan si Roseanne.

Roseanne: Hindi pa nga tayo nagkakasama sa kwarto, gusto mo na kong baguhin agad. I don't think this room assignment will work out.

Magugulat si Jisu sa pagbaba ng ulo ni Roseanne at sa biglaang paghina ng boses nito na parang iiyak.

Jisu: Hindi.. Sorry. Kasi...

Roseanne: JOKLANG!! HAHAHA... HUY!! BIRO LANG!! WAG KA MAGWALK-OUT, MABAGAL KA MASYADO, WALANG SENSE!!

Jisu: You're right. Hindi magwowork-out ang room assignments na to.

Roseanne: WAIT!!! Please... Just wait. I just wanna ask something.

Mapapahinto si Jisu at titingin kay Roseanne. Makikita niyang nakayuko ito at hindi makatingin sa kanya.

Jisu to self: Oh no... I might have messed up. She looks...

Roseanne: May 50 ka ba dyan? Hindi ko pa bayad tong bananacue e. Saka bibili sana kong tokneneng. Sige na, bayaran ko bukas, 55. Tubo ka na nun. 1/3 na kanin na yun.

Mapapahingang malalim si Jisu in disbelief. Hindi niya na namamalayan na...

Roseanne: SHETNAMALAGKET!! ANG GANDA MO PALA PAG NAKANGITI. ARAW-ARAWIN MO YAN BES. OR BETTER YET, NGITI KA NA LANG LAGI. BET NA BET YAN.

Jisu: Huh???

Roseanne: Huh huhh huuh?

Jisu: What?! Ikaw na yata ang pinakasenseless na taong nakilala ko.

Roseanne: HUY!! TAMA NA COMPLIMENTS MO. STRAIGHT AKO ANO BA!? WAG KA GANYAN.

Jisu: But I wasn't...

Roseanne: Sssshhhh.. Tara na. Bayaran na natin yung banana cue ko. Baka magbago pa isip ko. Bilis.

Ieextend ni Roseanne ang kanyang kamay at litong-lito si Jisu sa mga nangyayari. Hawak na niya yung kamay nito at nag-abot na rin siya ng 50. Pagkayari ay may hawak na sila parehong tig-isang baso ng tokneneng (5 piraso kada baso). At nagbabye na siya kay Roseanne.

Roseanne: SEE YOU TOMORROW SA ROOM JISU!!! YOU THE BEST!! SALAMAT SA LIBRE!!
Jisu: SEE YOU!! Wait... What... What the fuck just happened?
Jillian: Nabudol ka bes. Uso yan 2 years ago. Minsan labas din kasi ng bahay. May bente ka pa dyan? Bibili ko scramble sa labas... Huy!!! Ay sige, walk-out ka lang. Okay lang ako. Salamat sa time.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon