Chapter 128: Finding Fathers And The Art Of Falling

114 9 3
                                    

Nanay Rosa: Jisu iha. Pwede bang sa labas ka muna? Mag-uusap lang muna kaming mag-ina.
Jisu: Sige po.

Pagkalock ni Jisoo ng pinto ay iinit sa loob ng kitchen dahil sa temperature at tension sa gitna nila Nanay Rosa at Rows.

Nang dalawa na lang sila sa loob ay uupo si Nanay Rosa sa harap ni Rows. Hahawakan niya ang kamay ng kanyang anak across the table bago magsalita.

Nanay Rosa: Anak hindi naman ako nagkulang di ba? Binigay ko naman lahat ng gusto mo di ba?
Rows: Opo nay.
Nanay Rosa: Hindi mo naman ako iiwan di ba? Kahit mas maganda buhay ng tatay mo at gusto ka niyang kunin, hindi ka naman sasama di ba?
Rows: Po? Hays... Nay, sandali lang po ha. Kailangan natin ng drinks.


Magtutuyo ng luha si Nanay Rosa at tatayo si Rows para magtimpla ng secret drink nila. Pag-upo nito ay mauuna na siyang magsalita dahil mukhang naguguluhan pa ang utak ng nanay niya.

Rows: Nay. Una po sa lahat, kayo ang dabest na nanay in the multiverse. Nasigawan niyo na po yata yung buong school pero kahit isang beses hindi niyo pa ko sinisigawan. Aside po dun sa malakas na boses niyo na pagsasalita.
Nanay Rosa: Iha, ang definition ng sigaw ay malakas na boses na pagsasalita.
Rows: HINDI!! BASTA! ANYWAY! Isang araw po kasi, noong nagtake-out ako ng hapunan dito, nakasalubong ko sila Jenjie at Lalisa na palabas ng dorm. Magdidinner daw sila kasama ni Tatay Jun.
Nanay Rosa: Susmariya. Nagkita na nga kayo. Aruy... Iiwan na ko ng anak ko...
Rows: NAY! KALMA!!! PAG HINDI KA KUMALMA, WALA KANG ALLOWANCE?!?

Hihinga ng malalim si Nanay Rosa at uupo ng maayos habang nakatayo si Rows at nagpriprito ng besuto na prawn crackers.

Hihinga ng malalim si Nanay Rosa at uupo ng maayos habang nakatayo si Rows at nagpriprito ng besuto na prawn crackers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rows: So nagdinner kami sa fine dining restaurant na ang laki nung mga plato pero konti lang laman. Grabe ang mahal! Ayoko nung ganun. Parang nanloloko sila. So nilabas ko yung adobong niluto niyo..
Nanay Rosa: Naku iha. Bawal yun sa ganung restaurant.
Rows: OO NGA NAY! NILAPITAN AKO NUNG WAITER TAPOS BINAWALAN. Noong itatago ko na, hiningi ni Tatay Jun yung baon ko. Sabi niya, kakainin daw niya pauwi. Tapos noong tatakpan na niya, may tumalsik sa likod nung kamay niya na maliit na piraso tapos ininis niya yung waiter at tinikman niya. HULAAN MO ANONG NANGYARI PAGKATAPOS!!!
Nanay Rosa: Pinagbayad ba kayo ng corkage fee?
Rows: HINDI! UMIYAK SIYA NAY! UMIYAK!!! AS IN!


Mapapatigil si Nanay Rosa. Ibababa niya ang isusubo sana niyang kropek dahil mainit pa ito. Uupo na ulit si Rows sa harap ng nanay niya at magsisimula magbuhos ng suka sa isang platito na may bawang, sili at asin.

Rows: Dun ko nalaman na tatay ko siya. Kasi yung kaisa-isang kwento niyo tungkol sa tatay ko ay tuwing natitikman niya yung luto niyong adobo, natatameme siya at naiiyak.
Nanay Rosa: Alam na ba niya nun na anak ka niya? Sinabi mo ba?
Rows: Natrace niya po ako dito sa school.
Nanay Rosa: Sabi na nga ba at dapat umalis tayo e. Hay...
Rows: Nay... Di ba nga... Si Jisu.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon