Basic Math

544 25 4
                                    

Miss Nix: Good morning freshies. Ako si Maam Nicole pero tawag sakin ng mga students dito ay Miss Nix. 

Si Nix ay alumni din ng Kimkim College at tagaturo ng basic math na requirement ng lahat ng colleges. Kung kaya't halu-halong course ang students niya.

Miss Nix: At naging tradition kong magbigay ng surprise test sa very first meeting. Don't worry. Hindi siya recorded. And whatever score you get, may reward.

Jisu to self: My kind of teacher.
Lalisa to self: Hala... Totoo pala yung sabi ni ate Momo, buti nagbasa ko kanina.
Jenjie to self: Fuck... Sabi na hindi dapat ako pumasok e.
Roseanne to self: Uy katabi ko si Roomie!!! Sana hindi niya maalala yung utang ko kahapon.

Miss Nix: So... Ten items. For every correct answer you get, you are exempted from one of our weekly quizzes. Which means you are allowed to cut class on Fridays and you automatically get a perfect score for that test.

Magsisimula ang test. After 30 minutes...

Roseanne to self: SHET!!! ANONG BASIC DITO?

Lalisa to self: Utak, don't fail me now. Kaya natin to.

Jenjie to self: That girl's kinda cute.

Jisu to self: Bakit hindi pa sila tapos? It's not that hard...

After 45 minutes...

Miss Nix: That's it... Okay... Here's the fun part. Look at the person beside you.

Magkakatinginan si Jisu at Roseanne. Hihinto ang mundo dahil maaalala ni Jisu yung nangyari kahapon at mapapapikit siya. Takot mahypnotize ulit. Samantalang sa likod, titignan ni Lalisa ang katabi niya na nakataas ang paa sa table at ginawang paper airplane ang kanyang mga sagot.

Miss Nix: You have 15 minutes to discuss with your seatmate which of your two answers you will pass. Compare your answers, feel free to change anything. As long as you submit only one set of answers, and the paper you submit will determine both of your grades.

Tatayo si Jisu at ipapasa na ang papel niya.

Miss Nix: Are you sure? You're seatmate has to sign her name as approval.

Jisu: Hey... Lagay mo raw name mo.

Roseanne: SANDALI LANG HA. MALAY KO BA KUNG TAMA YAN. PATINGIN... ... ... SYET ANG HABA. PUSH! SIGN!! FIGHT!!

Jisu: Done.

Pagkapasa niya ng papel nila ay uupo na siyang nag-aalangan, meron pa silang 13 minutes at mukhang gusto makipag-usap ng katabi ni Jisu... Samantala sa likod.

Lalisa: Excuse me... Uhmmm... Hey... We're supposed to decide which--

Jenjie: Nasagutan mo ba?

Lalisa: I answered 8 confidently. Naubusan akong time dun sa last na dalawa.

Jenjie: Then lets pass mine. Natapos ko lahat.

Lalisa: Pwede ko bang makita yung mga sagot mo?

Titingin si Jenjie kay Lalisa mula ulo hanggang paa. Yung tingin na parang hinusgahan yung buong pagkatao mo. Tapos ay ibabato niya ang eroplano sa mukha nito. Tatama yung tusok sa may mata ni Lisa.

Lalisa: Aray!

After 5 minutes.

Lalisa: Miss... Mali yung sagot mo sa  2, 5, 7 at 8... Hindi ako sure sa 9 at 10... Pwede ko bang ibahin?

Tataas ang kilay ni Jenjie. Siya? Nagkamali? Tangina.

Jenjie: What did you say? Sign your name on the damn paper so I can fucking go.

Pipirmahan ni Lalisa ang papel. Lingid sa kaalaman ni Jenjie, iibahin ni Lisa ang ilan sa mga sagot nito... Ipapasa na rin nila ang papel. Sa harapan.

Jisu: Uhmmm... Kahapon, yung 50...

Roseanne: CALL ME ROWS. YAN TAWAG SAKIN NG FRIENDS KO.

Jisu: No, hindi naman kelangan yun. Yung 50...

Roseanne: Jisu, magiging friends din tayo. And who knows, baka more than that. Best friends, soul sisters, ganun. Rows na lang.

Jisu: Fine... Rows... Yung 50...

Roseanne: Ay sige na. May puntahan pa ko. Salamat sa siomai!!!

Magugulat si Jisu at nasa labas na sila ng math room at nasa harap ni Kuya Dennis na nagtitindi ng piniritong siomai. Hawak niya ang wallet niya at bawas ulit ng 50 to.

Jisu: WHAT THE HELL!!! I need to get my brain checked.




Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon