Pagdating sa stage ng dalawa ay kokoronahan sila at aabutan ng flowers nila Sir Simon at Maam Nix. Nakangiti si Somi at masayang masaya samantalang si IU naman ay nanlalaki pa rin ang mata at hindi makapaniwala.
Sir Simon: Congratulations Somi. You look really beautiful tonight.
Somi: Thank you Sir Simon.
Maam Nix: IU, iha. Congratulations. Ang angas mo ngayon ha.
IU: Po? Opo. Nanalo po ako?
Somi: Yes IU. Congratulations.
IU: Thank you. Congratulations din.
Pagkatapos ilagay nila Sir Simon ang sash sa dalawa, tatayo ang lahat ng students at papalakpak. Si Hani ay nasa bandang harap at kabado. Sakto namang bababa ng stage sila IU at Somi para sumayaw.
Habang sumasayaw sila sa kanta ni Taylor Swift ay hindi mapipigilang maiyak ni IU. (play song while reading if you want)
Somi: Sheesshhhh... Why are you crying now? Do you hate me that much?
IU: Hindi... Ang hirap kasi...
Somi: Ang hirap ng?
IU: Ang tangkad mo na kasi tapos 4 inches pa yata heels mo. Ang hirap sumayaw.
Magugulat ang mga nanonood ng biglang humintong sumayaw si Somi. Bibitawan nito si IU pagkatapos ay magtatanggal ng suot na heels. Mabilis na tatakbo si Sir Simon para kunin ito at pagkatapos ay ngingiti si Somi kay IU.
Somi: Now, will my King please smile while she dances with me?
IU: Ow-kay...
Sasayaw ang dalawa ngunit tuwing magkikita ang mga mata nila ay medyo awkward pa rin at may maglulook-away lagi. Madalas ay si Somi.
Somi: Sorry at hindi kami nanalo. I mean hindi tayo nanalo.
IU: It's okay Somi.
Somi: Pero you said--
IU: I've already forgiven you. Bago ka pa kumatok sa kwarto ko, napatawad na yata kita.
Somi: Why? Why are you so... Why is it so easy for you to be kind?
Iiling si IU.
IU: It's not. Trust me... If it wasn't for Nini, I mean Jenjie, I would have enacted my revenge by now.
Somi: Ohh... What did you have in mind? Hahaha.
IU: Wala na yun. Kalimutan na natin. Medyo dark e.
Somi: Okay... No problem.
Sa gitna ng pag-uusap nila ay hindi nila mapapansin na may mga ibang tao na palang tumayo at sumasayaw.
Samantala, may isang taong sobrang kabado habang nakaupo sa kanyang booth at nanonood.
Jenjie (radio): Kai, Lalisa, hindi pa ba kayo tapos kumain? I really need to tell Jieun something.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...