4 days later...
Magigising na lang bigla si Jenjie ng subukan niyang yakapin ang bakanteng pwesto sa kanyang tabi. Wala siyang kasama. Pagkayari ng ilang pag-iinat at pagpupunas ng mata ay kukunin niya ang kanyang cellphone para maggood morning kay Jihyo. Makikita niya ang oras at kakabahan siya. 8:17AM
Mapapabangon siya ng dali-dali at makikita niya ang bag ni Lalisa at ang laptop nito sa lapag ng kwarto niya. Ngayon kasi ang araw ng uwi ni Lalisa ngunit hindi nila napag-usapan kung maaga ba to aalis or mamaya pa.
Jenjie to self: Okay... Hindi pa siya umuuwi.
Dederetso sa banyo si Jenjie, Mabilis na pagtutoothbrush at hilamos. Habang nakaharap sa salamin, marerealize niya na pangatlong araw na to na hindi siya naliligo. Hindi pa naman siya mabaho pero medyo malagkit na ang kanyang buhok. Kaya magshoshower siya ng mabilis at magbibihis.
Pagbaba niya ng hagdan ay maririnig agad niya ang tawa ni Lalisa mula sa kusina. Dahan-dahang maglalakad si Jenjie papunta sa kusina, at makikinig lang siya habang nakasandal sa likod ng nakaharang na pinto. Nakangiti siyang makikinig sa boses ni Lalisa at sa pagtawa nito.
Jenjie to self: Hay... She's so...
Lalisa: Hahahaha. Grabe. Mas maganda pa pala yung niluto kong itlog kesa sa niluto ni Jenjie dati. Pero seryoso po bang magtatatlong buwan pa lang nagluluto si Jenjie, nay?
Sa pagsilip ni Jenjie ay makikita niyang nakatalikod sila Lalisa at Manang Kath habang tinitignan ang mga picture ng mga unang nilutong pagkain ni Jenjie.
Katharina: Oo iha. Ambilis niya matuto. Yung mga complicated dishes sa TV, nagagawa niya agad.
Lalisa: Wow... She's really something else.
Mapapangiti si Jenjie habang nakikinig mula sa pwesto niya. Lalabas na sana siya, ngunit manggugulat siya ng bigla uling magsalita si Manang Kath.
Katharina: Iha, nagtataka pa rin ako... Pasensya na kung nakikialam ako ha pero, bakit nga ba hindi kayong dalawa ni Jenjie ang nagkatuluyan?
Manlalaki ang mga mata ni Jenjie. Mapapasilip siya ulit at makikita niyang parang nasamid din si Lalisa.
Lalisa: Ano po yun?
Katharina: Wala iha, hayaan mo na.
Jenjie to self: Nag-e-eavesdrop ka na naman. Umakyat ka na lang muna ulit...
Dahan-dahang aatras si Jenjie, ng biglang magsalita ulit si Lalisa...
Lalisa: Tinatanong niyo po kung bakit hindi kami ang nagkatuluyan?
Hihinto ang mga paa ni Jenjie.
Lalisa: Hindi po kasi ako yung pinili niya e.
Katharina: Dyan nga ako pinakanagtataka e... Kasi, base sa mga kwento niya...
Lalisa: NAY!!! Okay na po... Hayaan na natin, please. Okay naman kami e. Saka pag nakilala niyo po ng husto si Jihyo, maiintindihan niyo rin kung bakit siya ang pinili ni Jenjie.
Katharina: Ikaw pa rin manok ko, iha. Fighting!
Lalisa: Hahaha. Burning! Sunog na yung bacon nay. Change topic na tayo, feeling ko pababa na si Jenjie e.
Katharina: Naku mamaya pa yun... Tinignan ko kaninang alas-otso at naghihilik pa ng nakanganga.
Ngingiti si Jenjie at aatras pabalik sa hagdan, pagkatapos ay maingay siyang maglalakad habang sumisigaw.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...