The story so far...
Pagkatapos ng isang sobrang eventful 2019 ay masayang sasalubungin ng ating mga bidang students ang 2020. Kasama ang kani-kanilang mga jowa, hindi nila inaasahan na ito ang pinakamalungkot at madugong taon ng kanilang buhay kolehiyo.
Dahil sa isang scholarship offer para sa Masters in Visual Arts (Photography), nagbreak sila Jihyo at Jenjie. Sa side ni Jihyo, ayaw niyang magLDR at naniniwala siya na si Lalisa pa rin ang mahal ni Jenjie. Isang bagay na lubos na kinagalit ni Jenjie.
Lumipat ng dormroom si Jenjie dahil ang dati niyang kwarto ay puno lang ng ala-ala ni Jihyo. Dahil dito ay lalong napalayo si Jenjie sa mga kaibigan niya. Kahit si Jisu na kapatid niya o si Rows, na fiancee ni Jisu at bestfriend ni Jenjie, ay hindi na niya kinakausap. Lalo na si Lalisa na sa puso ni Jenjie ay ang may kasalanan ng lahat.
Dalawang buwan ang lumipas. May kumakalat na urban legend sa college nila tungkol sa isang student na nakikipaghook-up kahit kanino as long as susundin ang tatlong rules nito. No souvenirs, no penetration, and lastly, after the deed is done, pretend it never happened.
At ngayon ay field trip na ulit ng mga first year kung saan si Jenjie ang representative ng Journalism club na magdodocument ng event. Ang hindi alam ni Jenjie ay kasama pala nila ang dalawa pang second year students na sila Kai at Lalisa. At ng makita ni Jenjie si Lalisa ay tumakbo siya palabas ng hotel at papunta sa beach...
Ang hindi niya alam ay may tao palang sumunod sa kanya...
~~~~~ooooo~~~~~
Sa Alona Beach...
Habang nagpapaliwanag over the phone si Jihyo na sinubukan niyang kontakin talaga si Jenjie para sabihin nga sana na si Lalisa ang magiging kasama nito, buong katawan namang bumubwelo si Jenjie para ibaseball pitch ang cellphone niya papunta sa dagat.
Walang kamalay-malay si Jihyo na isda na pala ng Bohol ang kausap niya ng mamatay bigla ang tawag at hindi na niya makontak pang muli si Jenjie.
Sa beach naman ay uupo si Jenjie sa buhangin at idudukdok ang kanyang ulo sa kanyang dalawang tuhod habang yakap ang magkabila niyang binti. Magugulat siya ng may bilang lumapat na kamay sa kanyang balikat.
Jenjie: You...
Isang short haired na familiar na student ang nakatayo sa likod ni Jenjie. Nakaearphones ito at nakajacket.
IU: Ate, tawag po kayo ni Sir Simon.
Jenjie: You look familiar.
IU: Ako po yung roommate ni Ate Mina.
Jenjie: Oh. Right. Nagpagupit ka. Tinatali mo pa buhok mo dati e. Mas maganda ka nun.
IU: Opo, nagpagupit po ako... Ate, tawag po kayo ni Sir Simon.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...