Turong Saging

124 8 5
                                    

Jenjie: Lili, nandito na ko sa harap ng bahay niyo. Nahihiya ako magdoorbell. Hehe.

Lalisa: Sus, ikaw? Nahihiya? Bukas yang front gate, tulak mo lang. Tapos ikot ka papunta dun sa likod, bukas yung pinto dun.

Jenjie: Di mo ba ko pwedeng sunduin, nakakahiya talaga.

Lalisa: Sus. Kilala ka na ng mga magulang ko dahil sa dami ng beses kitang kinwento sa kanila kaya wag ka na mahiya.

Jenjie: Pero hindi pa kami nagkikita sa personal!! Iba yung kwento lang!

Lalisa: Ayan na. On the way na.

Aayusin ni Jenjie ang buhok niya habang nakatayo sa harap ng frontgate nila Lalisa. Mapapanganga na lang si Jenjie pagbukas ng gate dahil hindi si Lalisa ang nandun, nanay niya na kamukhang-kamukha niya.

Matataranta si Jenjie at hindi niya alam kung magmamano siya o yayakap, kaya laking gulat niya lalo ng itaas ng nanay ni Lalisa ang kamay nito. Akala ni Jenjie ay sasampalin siya, high five pala yun.

Jenjie: Good morning po maam. Ako po si Jenjie, inimbitahan po ako ni Lalisa dahil may kainan daw po?

Elaine: Wassup Jenjie! Tita Elaine na lang itawag mo sakin. May naclose kasi uling sale si Tito Tristan mo kaya nagcecelebrate kami. Pasok ka na, nandun na sa loob yung isa pang kaibigan niyo.

Jenjie: Po? Sinong kaibigan po?


Pagpasok nila sa loob ng bahay ay matutuklasan ni Jenjie na lumabas pala si Lalisa kasama ang tatay niya. Habang tinutour siya ni Tita Elaine ay may maririnig siyang familiar na boses galing sa kusina.

Jillian: JENJEN!!! I MISS YOU!!!

Jenjie: Uy Jillian... Kumusta? Long time no see.

Jillian: Ayos lang, medyo malungkot... Nalilito pa rin kasi ko e.

Jenjie: About?

Jillian: Kung turon or empanada.

Masasamid si Jenjie sa ininom niyang tetrapack ng plus. Tatayo bigla si Jillian at lalapit sa mga handa. Kukuha ito ng dalawang turon at dalawang empanada. Mapapafacepalm na lang si Jenjie.

Jillian: Ikaw ba? Hati tayo o.

Jenjie: Alam mo Jillian... Sobrang na-aappreciate na kita ngayon. You never fail to make me smile.

Jillian: Jenjie? Alam kong mahirap ang LDR pero kaibigan ko rin si Jihyo, I can't do this to her. Ayokong maging another woman, the mistress, second wife, pangalawang Misis Kim.

Jenjie: Yan! Yang mga banat mong ganyan! Dati nakakainis pero ngayon... nakakainis pa rin. Kumain ka na lang!

Patuloy lang ang pagnguya nilang dalawa ng bigla nilang marinig ang isang kotseng pumarada sa harapan ng bahay. Lalapit at titingin sa pinto si Jenjie, at makikita niya for the first time ang tatay ni Lalisa na si Tristan. Kasunod nitong papasok si Lalisa at pareho silang may buhat na mga bilao ng pagkain. Lalapit si Jenjie at tutulungan sila.

Jenjie: Hello po Tito. Ako po si Jenjie, yung roommate ni Lalisa.

Tristan: AY IHA!!! KILALANG KILALA KITA! IKAW YUNG APO NUNG FAVORITE LOLO KO!!!

Jenjie: Opo. Ako nga po yun. May bubuhatin pa po ba?

Lalisa: Okay na, Nini. Pakitulungan na lang si Irene sa gate.

Jenjie: Ha?

Tristan: HATDOG!

Pagtingin ni Jenjie sa labas ng pinto ay makikita niya si Irene na nagsasara ng gate. Dali-daling lalabas si Jenjie at tutulungan to. Ngingitian siya ni Irene at pagkatapos ay yuyuko politely.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon