Clubs

137 7 1
                                    

Journalism Club

Jihyo: Welcome everyone! Sa journalism club!

Jenjie: Kung makawelcome everyone ka, akala mo naman ang dami mong bagong recruits.

Jihyo: HUY! Basta more than 1 marami yun! Yung adviser natin ay yung bagong teacher na babae. Nandito daw siya kanina kaso hindi ko rin inabutan. Maganda daw?

Jillian: Pwede na. Mas maganda pa rin ako. Pero bakit ulit ako nasama dito?

Jenjie: Kasi, sobrang galing mong magbigay ng advice at pwede kang writer for the school paper.

Jillian: At gugustuhin kong gawin yun dahiiillll????

Jihyo: Extra credits. Pampahatak ng grades, Jill. Ayaw mo ba?

Jillian: GUSTO! NASAN ANG MAKINILYA!

Jenjie: Ano daw? Mantikilya?

Jihyo: Makinilya. Typewriter daw mahal. Cute mo rin minsan e.

Jenjie: Ay wow... Minsan lang.

Jihyo: Anyway, yung isa pa nating photographer na focused sa third years pataas ay si Nayeon. Nagkalat lang din sa campus yung babaeng yun. Tapos karamihan sa writers natin ay hindi naman nagrereport dito, nag-eemail lang sila ng articles. Ang tanong ngayon ay... Anong gusto nyong gawin Jenjie at Jillian?

Jenjie: Uhmmm... Anong trabaho yung kasama kita everytime?

Jillian: Labas muna ko... Ang daming langgam e.

Jihyo: Uhmmm... Kelangan pa ba yun kung lagi naman tayong nasa puso ng isa't-isa?

Jillian: Seryoso guys... Labas muna ko ha. May langgam talaga e.

Jenjie: Pwede bang assistant mo na lang ako?

Jillian: May tumulo yatang sorbetes dito. Pula yung mga langgam e. Jihyo, hindi ba kayo naglilinis ng club room? May durog na apa o. May bata bang pumasok dito? Ang daming kalat e.

Jihyo: Pwede namang photographer ka rin, itre-train na lang muna kita para lagi tayong magkasama sa simula. Pero eventually, kelangan mo na rin humiwalay sa kin.

Jenjie: Okay na yun for now.

Jihyo: In that case, first task... Gawa kayo ng article about how the student body is adjusting to the new school system. Interviewhin niyo rin yung mga bagong saltang boys. Okay?

Jenjie: Okay. Jillian tara na?

Pagtingin ng dalawa ay nagmomop si Jillian dahil marami talagang langgam na pula sa pwesto niya kanina.

Jillian: Dapat may extra credits din ang pagjajanitor ko ha. Sayang naman ganda ko kung wala.

Jenjie: Haisss... Tulungan na nga kita. Grabe namang hazing sa mga new recruits to.

Jihyo: Hoy. Hindi ko kayo inutusan ha. Nagvolunteer kayo. Ilibre ko na lang kayo ng merienda after.

Jillian: Naku, sawa na kong maging third wheel.

Jenjie: Ay hindi ka sasama, Jillian?

Jillian: Sasama pa rin. Libre e. Saka mas tolerable naman kayong dalawa kaysa dun sa roommates ko. Grabe yung tamis...

Mapapatahimik si Jenjie habang naglilinis sila ng club room. Namimiss niya si Lalisa. At hindi pa rin nagsisink-in sa kanya na sobrang konti na lang ng magiging oras nila para sa isa't-isa.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon