Breakfast time.
Nakaupo na sa table sila Rows at James. Wala pang ibang bumababa para sumabay sa kanilang kumain.
Rows: Okay lang ako. Promise.
James: Bakit ayaw huminto ng luha mo?
Rows: Kasi... Kasi si Jisu...
James: O? Nag-away ba kayo?
Tahimik lang si Rows. Ibababa niya ang ulo niya at isasandal sa kanyang mga braso sa lamesa. Ayaw huminto ng luha niya. Nakayuko lang siya ng ganto at hindi tumitingin kahit kanino.
Rows: Sinabi niya kay nanay na may boyfriend na ko.
James: Ohhh... Nagalit ba si nanay?
Rows: Makananay ka dyan ha...
James: Nagalit ba si tita?
Rows: Yata... Nagulat... Kausapin daw tayo pagbalik natin.
James: I see... Hayaan mo na. I'm sure she's really sorry.
Mararamdaman niya ang kamay ni James na hinihimas ang ulo niya.
Rows: PERO MALI PA RIN YUN DI BA? IT WAS MY STORY TO TELL. SOBRANG EXCITED AKONG IPAKILALA KA E.
James: Magagawa mo pa rin naman yun pagdating sa Manila. Bakit ba sinabi ni Jisu?
Rows: Tinanong siya ni Nanay tapos ayaw niya magsinungaling.
James: That kinda changes things, Rows... Kahit ako, ayokong magsinungaling sa nanay mo.
Rows: PERO IBA NAMAN KASI YUN. BOYFRIEND KITA E. SI JISU...
James: Si Jisu ay???
Rows: Bestfriend ko...
James: I don't want to ask kung sino mas matimbang. Pero just so you know... kung ako yung nasa kalagayan niya tapos naipit akong ganun... I would also tell the truth. I'm sure hindi magsesettle si tita sa sagot na "Tanungin niyo na lang po siya. Mas maganda po kung sa kanya manggaling."
Rows: Tsk... James naman ih... Dapat kampi ka sa kin.
James: Kampi ko sa pinakamagpapasaya sayo.
Rows: So anong gusto mong gawin ko?
James: Well... Nandito na si Jim so kukuha na muna kaming food. Iwan ko muna kayo...
Magugulat si Rows dahil mararamdaman niyang gagalaw ang upuan ni James sa kaliwa niya. Maririnig niya ang boses ni Jim kasama si James na palayo sa lamesa. Pero nandun pa rin yung kamay na humahaplos sa ulo niya.
Rows: Huh??
Sisilip si Rows sa kanan at makikita si Jisu na nakahiga rin sa braso nito at namamaga rin ang mga mata.
Jisu: Hello po... Can we talk?
Rows: Jisu...
Jisu: Rows... I'm so sorry. I should have thought of something else to say. Wala akong karapatan na pangunahan ka...
Rows: Jisu...
Jisu: It was your story to tell. I overstepped my bounds. Maiintindihan ko kung ayaw mo muna ko kasama. You are very special to me... So I'll wait unti--
Rows: WAHHHH!!!!
Mapapasigaw na iyak lang si Rows at biglang yayakapin si Jisu na magsisimula pa lang sana sa kanyang 5 paragraph monologue in english.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...