Mina: Oops...
*SLAP!*
Lalakad lang ng mabilis palabas ng bus si Lalisa. Bakit? Who knows...
Lalisa to self: Stupid Lalisa... Nakita mo na ngang pumasok si Mina sa bus, sinundan mo pa? Clearly, you were in the wrong place in the wrong time.
Jenjie: Lalisa!
Hindi siya maririnig. Kelangang tumakbo ni Jenjie para abutan yung mabilis na lakad ni Lalisa.
Jenjie: LALISA MANOPO!!!
Lalisa: Huh??
Tatalikod si Lalisa. Nakatayo siya sa gitna ng field at makikita niya si Jenjie around 5 meters from her. Hinihingal ito at naglalakad papunta sa kanya.
Jenjie: Hay... Okay... It's not what you think. She forced herself onto me and I thought she was you and---
Lalisa: You thought she was me?? What are you saying?
Mapapahinto si Jenjie na nakayuko at nakasandal ang mga kamay sa tuhod niya habang hinihingal. Tatayo siya ng maayos at mapapatingin kay Lalisa.
Jenjie: I...
Jenjie to self: Was I explaining myself to her?
Jenjie: I don't want you to misunderstand.
Lalisa: Look... I don't care about any of that. Pumunta ko dito because you told me na kung gusto ko maintindihan why you act the way you do, pumunta ko dito. That's all. I don't give a damn about your relationship with her.
Jenjie: I don't have a relationship with her.
Lalisa: Okay. I believe you. Catch your breath. Then lets talk.
Uupo ang dalawa sa gitna ng soccer field sa gitna ng gabi. Thankfully walang pusa ngayon at thankfully, marami uling stars. Kaya hihiga sila pareho na pantay at magkatapat yung ulo pero magkabilang direction yung katawan. Yung pacute na couple higa, tapat ng mata mo ung labi niya at tapat ng mata niya yung labi mo. Ganern.
Jenjie: Alam mo ba yung kasabihan na "You are either born a sheep or a goat."
Lalisa: Sa bible yun di ba?
Jenjie: Ay talaga?
Lalisa: Oo... How they look so similar pero they are totally different. And how sheep are born sheep and can never be a goat and vice versa. Tapos sheep symbolizes the obedient children of god while goat are satan's unruly offspring.
Jenjie: Wow... I didn't expect that. So ayun... Jisu was born a sheep... And I was born a goat. I tried to change pero wala. The goats were cursed because they were goats.
Lalisa: Paano?
Jenjie: Paano ang?
Lalisa: Paano mo sinubukan magbago?
Jenjie: Let's just say na sobrang close namin ni Jisu dati. We did everything together. Sabay kami nag-aral simula grade 1 tapos lagi siyang top 1 at top 2 ako. Except nung grade 6. I got top 1. And guess what my parents did.
Lalisa: What?
Jenjie: They hated me... They said "Jenjie, stop trying so hard. You broke your sister's heart. Hirap na hirap siyang mag-aral tapos nanakawin mo yung top spot from her. Siya yung panganay at siya yung magmamana ng company, not you. Mataas ang expectations sa kanya ng mga lolo niyo so please."
Lalisa: Seryoso? What did Jisu say?
Jenjie: After that, nagpakalunod na siya sa libro. We never played anymore. Pinilit ko pa rin siyang kausapin syempre, pero wala, ayaw niya ko pansinin. Until bigla na lang sinabi ng parents namin na I will be staying with my Lolo Gus. Nakikita ko na lang silang tatlo pag may family event.
Lalisa: And that's why you stopped trying... sa lahat.
Jenjie: I don't see a point. Kung hindi ko rin pwede ibigay yung best ko sa pag-aaral or sa kahit ano because maoovershadow ko si Jisu, then hindi na lang ako mag-eeffort at all.
Marerealize bigla ni Lalisa na lahat ng mali ni Jenjie dun sa basic math na exam ay mga careless mistakes na parang sinadya.
Lalisa: Jenjie...
Magkakatinginan ang dalawang nakahiga. Hindi naman ganun kalapit ang mga ulo nila at madilim din, ngunit makikita ng malinaw ni Jenjie ang pagtingin ni Lalisa.
Jenjie: Ayan ka na naman. Kung makatingin ka sakin, parang sira ako. Parang sobrang helpless ko na nakakaawa na batang inagawan ng kendi. Lalisa, hindi ko pinili to. Ito talaga ang buhay ko, I didn't have a choice.
Lalisa: You always have a choice.
Jenjie: Hindi ka ba nakinig sa kwento ko?
Lalisa: Nakinig pero what I mean is... Ang laki ng middle ground ng 0 at 100%. This might be a very bad advice to give pero still. Hindi mo naman kelangang ibigay yung best mo, importante nagbigay ka.
Jenjie: That is a bad advice. You are telling me to be mediocre. To be average. To aim for pasang awa grades.
Lalisa: Hindi lang sa pag-aaral... I can accept if you don't want to be friends. Pero please don't treat me as an enemy either. Ang dami ring middle ground nun.
Jenjie: ... ...
Lalisa: Hey...
Jenjie: Balik na tayo, gabi na.
Lalisa: Okay... Thank you for sharing.
Tatayo na si Lalisa at magpapagpag ng damit habang si Jenjie ay nakaupo pa rin sa damo.
Jenjie: Lalisa...
Lalisa: Yes?
Jenjie: Nini...
Lalisa: Nini?
Jenjie: Yan yung tawag sakin ni Jisu dati. At ng ibang friends ko from long ago. You can call me Nini.
Mapapangiti na lang si Lalisa at aabutin ang kamay ni Nini.
Lalisa: Nini... Bagay sayo.
For the first time, mapapangiti ng cute si Jenjie. Mawawala ang mga mata nito at magiging malasiopao ang pisngi.
Jenjie: hihi. Pero satin lang yan. Sa room pwede mo kong tawaging Nini pero never when other people are around.
Lalisa: Nini...
Jenjie: Yes?
Lalisa: Nagkalat pa yung malapokpok na liptint ni Mina sa labi mo... Mukhang rapsa ahhh.
Jenjie: TANGNA NITO!!! Bakit ngayon mo lang sinabi???
Lalisa: Seryoso mo kanina e. Pasalamat ka sinabi ko bago tayo umabot ng kwarto.
Jenjie: Haha. Oo nga. Baka kung ano isipin nung dalawa.
Lalisa: AHAHAHA
Jenjie: HAHAH
Lalisa: Haha...
Jenjie: haha...
AWKWARD!!!!
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...