Dahan-dahang isasara ng Nanay Elaine ni Lalisa ang pinto sa kwarto nito. Halos 10:00 AM na at ngayon lang nakatulog si Lalisa dahil sa pag-iyak. Walang sinabi ito at umiyak lang ng umiyak.
Pagbaba niya ng hagdan ay makikita niya si Tristan na nakaluhod at naghihintay.
Elaine: Bakit nakaluhod ka dyan?
Tristan: Hindi ko na kayang makitang ganto ang anak natin, Elaine. Nandito si Jenjie ngayon, nakita ko sa article. Kasama niya yung model na kinuha ng company ng kapatid mo. At kaya nagkakaganyan si Lalisa ay dahil hindi man lang niya magawang ipaglaban yung taong mahal niya dahil hindi niya tayo maiwan.
Titignan ni Elaine ang article na tinutukoy ni Tristan. Maaalala niya yung pag-uusap nila ni Lalisa dati, noong umamin si Lalisa sa kanila na may gusto ito sa kapwa babae.
Matagal ng pangarap ni Elaine na magkaroon ng apo ngunit mas importante sa kanya na masaya si Lalisa kaya naman hindi siya nagdalawang-isip noon sa dapat niyang gawin. Sinuportahan niya si Lalisa at si Jenjie noong sabihin ni Lalisa na may gusto ito sa roommate niya.
Ngunit noong nalaman niya ang ginawang pagsasakripisyo noong dalawa ay nanghinayang siya at nalungkot. Lalo na ng nakita niya kung gaanong nahihirapan ang kanyang anak
Kaya naman hindi siya makapaniwalang hindi niya narealize agad ngayon na nauulit ulit ang mga pangyayaring yun dati.
Nagsasakripisyo na naman si Lalisa. Pero ngayon ay pilit na niyang tinatago ito dahil ayaw niyang sisihin ng mga magulang niya ang sarili nila.
Maiinis si Elaine sa sarili niya at habang sinasabihang tumayo si Tristan ay papayag na siya finally.
.....
Magigising si Lalisa sa pagpupunas ng tatay niya sa kanyang noo. Mapapabangon siya bigla at tingin sa wall clock. 3:00 PM.
Lalisa: Tay... Sorry po. Nakatulog ako. Hindi ako nakapasok.
Tristan: Okay lang yun. Hindi na rin kami pumasok ng nanay mo.
Lalisa: Tay naman, sana iniwan niyo na lang ako dito. Nandito naman si Louis e.
Tristan: Magagawa ko bang iwan ka ngayong kailangang-kailangan mo ng kasama.
Pilit ngingiti si Lalisa at magpapanggap pa rin.
Tristan: Alam naming nandito si Jenjie. Malamang ikaw pinunta nun. Nagkita na ba kayo?
Lalisa: Opo... Kaninang umaga.
Tristan: Tapos?
Lalisa: Nandito po siya dahil... Pinuntahan po niya si IU. Naaalala na po kasi ni IU lahat. I think gusto nilang subukan ulit.
Tristan: TALAGA?!?! Sinabi niya yun?
Tatango si Lalisa.
Tristan: Naku... Awkward pala.
Lalisa: Bakit po tay?
Tristan: Naalala mong sinabihan kita na magshushoot tayo ng commercials para sa company?
Lalisa: Opo. Isa ko dun sa mga assistants sa shoot
Tristan: Si IU kasi yung kinuhang model ng company ng tita mo. Kasi Filipina rin.
Mapapabuntong hininga si Lalisa.
Tristan: Bukas na yung shoot niyo. Gusto mo ba, hanapan kita ng kapalit?
Lalisa: Hindi na po. Okay lang. Malaki na po ako, tay. Nabigla lang ako kanina pero that's it. I'm fine now.
Tristan: Yung totoo.
Lalisa: I was hoping na maghihintay nga si Nini pero I won't blame her for moving on. And besides, si IU... She's as deserving of Nini's love as me. Baka nga mas deserving pa siya for everything she went through.
Yayakapin ni Tristan si Lalisa at pagkatapos ay ibebear hug ng mahigpit.
Lalisa: TAY MASAKET!!!
Tristan: Tiisin mo ng matauhan ka.
Lalisa: TAY NAMAN E! HINDI AKO MAKAHINGA!
Tristan: Bawal sumuko. Alam mong lahi tayo ni Andres Bonifacio tapos susuko ka lang.
Lalisa: TAY PUMILI NA SIYA!
Tristan: Ilang beses mo ba isusuko si Jenjie bago mo marealize na katangahan yun! HA?
Lalisa: KAHIT NAMAN IPAGLABAN KO SIYA, HINDI KAMI MAGKAKASAMA E.
Tristan: Pumayag na nanay mo. Pwede ka ng umuwi if you want.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanficSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...