Lalisa: Hey... I'm already here.
11:30AM... Nakatayo si Lalisa sa tapat ng Burger King sa Trinoma habang tumitingin sa mga taong dumadaan. Simpleng black t-shirt at jeans lang ang pinili niyang suotin. Dalawang oras siyang nag-iisip kanina kung okay na ba ang suot niya.
Ayaw kasi niyang magmukhang nag-effort ng todo sa suot pero ayaw din niyang magmukhang nakapambahay lang. Kaya naman hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ng konti ang kanyang mga kamay dahil sa kaba.
Hawak niya ang kanyang cellphone sa kanyang tenga habang hinahanap ang kanyang kadate.
Lalisa: I see you... Tapat ako ng Burger King.
Irene: Madaya... I don't see you yet...
Lalisa: Black shirt. Pants. Waving her arm in the air.
Irene: I SEE YOU!!!
Napalunok ng laway si Lalisa ng nagtagpo ang mga mata nila ni Irene. Hindi yung principal, yung exchange student galing Korea. Ibubulsa na niya ang phone habang palapit sila sa isa't-isa.
Lalisa: Uhmm? Why are you looking at me like that...
Irene: Tsk... I should have worn something else... You look really nice.
Lalisa: What are you talking about! Ang angas mo nga tignan e. You look really cool. Love the jacket.
Irene: I love your hair. Yeppuda.
Lalisa: Haha. Gomawo. Shall we?
Maglalakad ng mabagal ang dalawa. Walang idea si Lalisa kung ano ang dapat niyang gawin or kung ano ang pwede nila pag-usapan. Bukod sa sobrang tagal na niyang hindi nakikipagdate kahit kanino, first time niya to with someone of the same sex.
Habang paakyat ng escalator ay hindi siya makapagdesisyon kung magtatabi ba sila sa isang step or pauunahin niya si Irene. Marami rin kasi ang nagmamadali at tumatakbo sa escalator kaya tumayo na lang si Lalisa sa likod ni Irene. Haharap si Irene kay Lalisa at ngingiti.
Irene: What's wrong?
Lalisa: Hmm??
Irene: Parang hindi ka mapakali kanina pa e.
Lalisa: Nagulat lang ako kasi ang galing mo ng magtagalog bigla...
Irene: I've been learning for a few months na. Nakakahiya lang talaga kasi you might laugh if I make a mistake.
Lalisa: I won't laugh. Unless it's a super funny mistake. Pero I'll explain naman why I'm laughing so we can laugh together. Okay?
Irene: Hmmp!
Lalisa: Cute mo...
Mapapansin ni Lalisa na medyo nagblublush si Irene. Tatalikod na ulit to at mapapangiti lang si Lalisa. Pagdating nila sa bilihan ng tickets ay sabay kukuha ng wallet ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...