Dahan-dahang bubuksan ni Jenjie ang pinto ng kwarto nila ni Lalisa. Patay na ang ilaw habang nakahiga at nakakumot na sa kama si Lalisa. Lalapit si Jenjie sa side ni Lalisa at titignan kung gising ba ito. Nakapikit ang mata at parang kumikinang na mala-anghel na nagdadasal si Lalisa. Ngingiti lang si Jenjie at susubukan niyang hawakan ang buhok ni Lalisa ngunit mag-aalangan siya at the last minute.
Jenjie to self: Hayaan ko na muna siyang matulog.
Tahimik na lalakad si Jenjie papuntang banyo at isasara niya ang pinto. Pagkaraan ng ilang minuto ay maririnig sa loob ng kwarto ang tunog ng shower. Dahan-dahang bubukas ang mata ni Lalisa at titingin sa saradong pinto ng banyo.
Lalisa to self: Nini?
After 30 minutes ay lalabas na si Jenjie ng banyo ng nakapajama at may tuwalya sa buhok. Uupo siya sa gilid niya ng kama at sasandal lang sa dingding. Titignan niya si Lalisa na nakatagilid ang higa, facing away from her.
Jenjie: Good night...
Mararamdaman ni Lalisa ang kamay ni Jenjie na hinahaplos ang ulo niya. Habang inaantok ngunit nilalabanang pilit ang pagtulog ng mahimbing ay bibiling si Lalisa paharap kay Jenjie at ilalapit ang ulo niya dito.
Lalisa: zzz zzzzzz hhmmmm... zzzzzz zzzzzz
Jenjie: Shhhh. Tulog na...
Daan-daang hahaplusin ni Jenjie ang ulo ni Lalisa. Hahawakan niya ang phone niya sa kabilang kamay. Nagkataon na pagdetect ng fingerprint niya ay naiwan palang nakabukas ang picture ni Jihyo. At habang hinaplos ng kaliwa niyang kamay ang ulo ni Lalisa ay nakangiti naman si Jihyo sa cellphone sa kanan niyang kamay.
Lalisa: zzzz zzzzzzz Nini... zzz zzzzzzzzzzzz
Jenjie: Sshhh... I'm here. Go to sleep...
Mapapangiti si Lalisa. Isang wave ng relaxation ang dadaloy sa kanyang katawan pagkarinig ng boses ni Jenjie. Dahil sa antok, pagod at hindi inaasahang Freudian slip moment...
Lalisa: zzzzz zzzzzz I love you... zzzz zzzzzzz
Lalisa to self: .hmmm.... wait... ... did I just... ... WAIT?? ... ... WHAT!!! SHIT!!!
Hihinto ang kaliwang kamay ni Jenjie. Mapapatingin siya kay Lalisa na ngayon ay nakadikit ang noo sa kanyang kaliwang hita. Magugulat siya ng dahan-dahang bubukas ang mata ni Lalisa. Ilang segundo ng katahimikan ang babalot sa room 1708 habang nakatingin sila sa mata ng isa't-isa.
Jenjie: I love you too. Go to sleep.
Pipikit ulit si Lalisa... Mararamdaman niya muli ang kamay ni Jenjie na humahaplos sa ulo niya. Mararamdaman niya ang pag-adjust ni Jenjie at paghiga sa kanyang tabi. Mararamdaman niya ang maiinit na labi nito sa kanyang noo. Tapos bigla siyang magigising.
Didilat si Lalisa at masisilaw sa liwanag na pumapasok sa kwarto. Nakaharap siya sa bintana at facing away from Jenjie. Maririnig niya ang mahinang mahinang paghihilik ni Jenjie sa likod niya. Mararamdaman niya ang kamay ni Jenjie na nakayakap sa kanyang baywang. Mararamdaman din niya ang katawan at dibdib ni Jenjie na nakadikit sa kanyang likuran kaya't matatauhan at magigising ng husto si Lalisa. Dahan-dahang hihiwalay at iikot si Lalisa. Makikita niya ang tulog na mukha ni Jenjie. I-aadjust niya ang braso ni Jenjie na nakayakap sa kanya, at babangon na siya pagkatapos.
Lalisa to self: She snores!!! Ang cute!
BINABASA MO ANG
Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]
FanfictionSa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kolehiyo. Si Rows, anak ng kusinera sa canteen. Si Jenjie, ang sigang mayabang na apo ng may-ari ng esku...