Chapter 3

213 14 0
                                        

"Omg! Two more days to go, pasukan na!" Nakatingin ako sa calendar habang tinitignan ang date ngayon then, gulat na gulat ako kasi two days na lang at pasukan na. Sigaw ako nang sigaw sa kwarto ko.


"Ano yan Grazz, bakit ang ingay mo?" Sigaw ni mommy habang nanonood siya ng favorite TV show niya sa baba.


"Wala po, My!" Sigaw ko pabalik para marinig niya ako.


Bumaba ako para puntahan si mommy sa sala. May second floor kasi yung house namin at nasa second floor yung room ko.


"My, pwede ba tayong lumabas bukas? Punta tayo sa SM?"


"Hindi na!" Mukhang wala sa mood ang mommy.


"My, grabe naman yan. Last two days na nga lang. Susulitin ko na itong two days bago magpasukan. Sige na, My." Nagmamakaawa pa ako kay mommy with praying hands. "Ano ba ngayon? June 3 na. Edi days na lang! My, sige na, My!"


"Oo, sige na nga!"


"Yey! Kasama natin sila Kuya at Grace ha? Pati na din si daddy."


Palakpak naman ako ng palakpak na parang shunga. Kinaumagahan, super excited kong pumunta ng SM. Ako ang unang unang nagising sa kanila. At ako na din ang gumising sa kanila. Bihira lang kami lumabas na pamilya, kaya kahit simpleng gala lang naeexcite na ako.


"Gising na kayo, pupunta na tayo sa SM!" Sigaw ko at tinapik tapik ko sila.


"Yehey!" Sabay palakpak naman ni Grace. Halatang excited din. Si Grace nga pala, bunsong kapatid namin.


"Oh, bakit ang aga mo namang nagising ngayon? 6:00 AM pa lang. Dati rati 10:00-11:00 AM kang nagigising. Brunch ka na nga lang kumakain eh. Himala, naabutan mo ang breakfast ngayon!" Humagalpak si kuya sa tawa. Ang hilig niya talaga akong asarin! Wala na lang akong ginawa kundi sumimangot.


"Tigil na nga Kit, kumain na kayo at para maaga tayong makaalis." Panunuway ni daddy.


Kumain na kami, naligo, toothbrush, at nag bihis. "Ready na ba kayo?" Tanong ni mommy.


"Patapos na ma!" Sambit ni kuya habang nilalagay niya yung belt niya at bumaba na tapos nag ayos ng buhok na para bang naruto ang buhok niya.


"I'm ready ma!" Readyng ready na sagot ni Grace sabay na nag model sa harap ni mommy at daddy.


"Wow! Ang ganda mo naman nak, bagay na bagay sayo." Pamumuri naman ni mommy.


"Eh, ako ngay? Hindi ba ako pogi sa porma ko?" Sabay hawi ni kuya sa buhok niya.


"Hindi ka gwapo, 'no! Para kang manok jan sa buhok mo." Inis na sambit ni Grace. Nice one Grace! Naka-one point ka kay Kuya Kit.


"Grabe naman 'to!" Aba! Ayyn lang ang nasabi ni Kuya Kit kay Grace? Habang sa akin banat siya nang banat. Walang katapusang banatan. It's so unfair!


"Gwapo ka naman, anak. Gwapo naman si Kuya Kit diba Grace?" Tanong ni daddy.


"Oo na lang, Dy". Napipilitang sabi ni Grace.


"Napilitan naman siya!" Galit na sigaw ni Kuya Kit.


"Kaso mukha ka nga talagang manok diyan sa buhok mo." Pang aasar pa ni daddy kay Kuya. Tawa na lang nang tawa si daddy, mommy at Grace habang naka simangot naman si Kuya Kit. Ayan kasi, napaka-bully niya kaya pinagkaisahan siya. Dasurv!


"Sabi ko sayo kuya eh. Ayaw mo pang maniwala." Pang aasar pa ni Grace.


"Basta, gwapo ako. Wala nang aangal." Pagpupumilit ni Kuya sabay kindat naman sa salamin with pogi pose pa.


Then, bigla akong sumigaw. "I'm not yet ready, My! Wait!"


"Ang tagal mo Grazz! Ikaw na lang ang hinihintay! Alasyete na!" Sabi ni mommy.


"Pababa na po ako!"


Bumaba ako at sumigaw si Grace. "Wow! Ate! Ang ganda mo sa suot mo!" Bighaning bighani naman si Grace sa suot ko.


"Oh, Grazz. Babae ka ngayon. Nagmukha kang tao sa suot mo." Pang aasar ni kuya sa akin. Ayan na naman siya, inumpisahan niya na naman ako.


"Aba! Okay na sana na pinuri mo ako sa suot ko kaso, may dagdag pang pang aasar eh." Inirapan ko si kuya at tumawa lang siya. "Ikaw ngay? Yang buhok mo, kapag may nahulog nabutiki siguradong hati ang katawan 'non! Sa sobrang tulis, namatay yung butiki. Nakapatay ka pa."


Sabay sabay na nagtawanan sila mommy, daddy at Grace sa sinabi ko.


"Wag na nga lang. Kanina niyo pa ako inaasar eh. Ibaba ko na nga itong buhok ko." Sumimangot na sabi ni Kuya. Naka one point ako ngayon kay Kuya.


Umalis na kami at nag drive na si daddy ng car. Sa car, tawanan kami lang kami at nag-asaran. Hanggang sa nakarating kami sa SM.


"Hay! Salamat! Nakarating din." Nag stretch ako ng katawan.


Simpleng bonding lang ang nangyari sa amin. Nag shopping kami, bumili ako ng mga damit ko at ganoon din sa mga kapatid ko. Bumili kami ng mga foods kasi nga syempre, yan ang hilig ko eh. Bumili din kami ng pizza, Greenwich pa. Naka dalawang box kami. Super nabusog talaga ako dun. Basta kasi kapag favorite ko, nakakarami ako eh. Buraot din kasi mga kapatid ko. At naparami din kain nila mommy at daddy.


Nag pictures din kami siyempre. Pumunta din kami ng National Bookstore para bumili ng mga pocketbooks. Mahilig kasi ako doon eh. Lalo na yung mga wattpad stories. Nakakakilig yung mga love stories 'dun! Kilig lang ako pero wala pa yung sa isip ko. Wala akong planong magka love life. Bumili din ako ng iba't ibang stories. Kasi nakakasawa din naman kapag puros love story at puros kilig na lang. Bumili din ako ng mga mystery and thriller at adventures. After 'non, pumunta kami sa bilihan ng mga DVD's. Mahilig din kasi akong manood ng mga movies lalo na at adventure. Bumili ako ng mga horror movies kasi hilig ko din yun. And last na pinuntahan namin sa Movie World. Nanood kami ng cinema. Ang pinanood namin, Talk Back And You're Dead. Omg! Nakakakilig talaga. Umuwi na din kami after 'non kasi gabi na din noong natapos yon.


Pagdating sa car, bagsak kaming lahat. Lahat kami pagod. Nagsitulugan din kami sa car hanggang sa naka-uwi na kami. Nung June 5 naman, wala na akong ginawa kundi sulitin ulit ang araw ko ng mag isa. Nag ayos na ako ng gamit for tomorrow. Kasi kinaumagahan pasukan na. Nag basa na ako ng pocketbooks na mga binili namin. Pinanood ko na din yung mga CD na binili ko. Nireview ko na din yung mga books ko for pasukan. And that's all. Ayun lang ang nangyari for the whole last two days vacation ko. Wala naman na akong ibang pagkakaabalahan kundi ang pamilya at ang sarili ko lang.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon