Naglalakad na ako pauwi sa bahay. Malapit naman yung school sa bahay namin eh. Okay na din to, para ma-exercise din ako. Gusto ko din namang libutin yung mga bahay bahay dito malapit sa namin. Kakalipat pa lang din kasi namin dito.
May malaki palang bahay dito sa subdivision namin. Mansion na mansion ang dating. Matapos kong pagmasdan, hinayaan ko lang ang malaking mansion na 'yon.
Nakadating na ako sa tapat ng bahay namin. Ayoko pang pumasok. Kaya nilagpasan ko yung bahay namin at derederetchong naglakad. Konting hakbang lang, may nakita na naman akong bahay. Maganda din. Tapos tumingin ako sa bintana nila. May nakita akong lalaki na nakasilip sa direksyon ko. Parang familiar yung mukha niya sa akin, hindi ko nga lang maalala. Kaya hinayaan ko na lang. Hanggang sa dumidilim na din. Kaya naisipan ko nang umuwi sa bahay.
Pagkadating ko sinalubong agad ako ni Grace at kinamusta niya ako. "Ate! Kamusta first day of school mo?" Pinaupo niya ako para magkwentuhan kami.
"Okay lang naman. Ikaw? Kamusta first day mo?" At saka ko ginulo ang buhok niya.
"Okay lang din naman, ate. May nahanap agad akong bago kong crush." Hala! Lumandi ang kapatid ko. Hinampas niya ako sa sobrang kilig.
"Talaga? Kaklase mo ba siya?"
"Oo ate. Ang bait niya sa akin. Habang kinakausap niya ako. Nauutal pa nga ako. Kinakabahan ako eh."
"Normal lang yan Grace. Crush lang naman diba?"
"Opo ate. Kinuha niya agad yung number ko ate. Kinikilig ako!" Pinaghahahampas na naman ako ng kapatid ko.
"Binigay mo naman?"
"Oo naman. Syempre ate." Tumigil siya saglit at hinampas ulit ako. Ganito talaga 'to. Noong 11 years old kasi siya may crush siya. Kaso may iba na daw crush yung crush niya kaya masakit para kay Grace 'yon. Masaya naman ako sa kanya ngayon kasi nakahanap na siya ng bagong crush niya. "Ikaw ate? Magkwento ka nga din."
"Maganda na hindi maganda ang first day ko." Natatawa kong sabi. Kasi ang weird lang talaga ngayong araw.
"Bakit naman, ate?" Tanong niya.
"Ewan ko ba, kung bakit may mga galit sa akin kanina, meron din namang hindi. At saka para lang kaming nag bonding ni Alexandria kanina. Kaso may kinabwibwisitan akong lalaki dun." Galit na sabi ko kay Grace.
"Sino naman yung lalaking 'yon, ate? Para naman matambangan namin." Matapang na sabi niya.
"Yung nangbubully sa akin. Pero hayaan mo na, kayang kaya ko 'yon!"
"Gusto mo sugurin ko, ate?" Seryosong sabi sakin ni Grace kaya tumawa naman ako.
"Hindi, wag na. Ako na ang sasapak 'don. Malakas ata 'tong ate mo 'no!" Tumawa naman ako para di na mainis si Grace 'don sa Kevin na 'yon.
Nagvibrate yung cellphone ni Grace at agad naman niyang kinuha ito. "Uy, ate! Nagtext na sa akin yung crush ko. Maya na lang ate ah?" Tumango na lang ako sa kanya at tumakbo siya papunta sa kwarto niya na halatang kilig na kilig. Hay nako, 'tong bunso talaga namin, dalaga na.
Pumunta na din ako sa kwarto ko at pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko bigla naman akong tinalon ni Zoe. Yung aso kong chow chow. Hindi na siya puppy. Malaki na siya. Mukha siyang bear!
"Hi, Zoe baby! Namiss mo ba ako?" Habang hinahawak hawakan ko siya saka siya tumahol. "Very good! Pahinga muna ako baby ha? Let's play na lang kapag may free time ang mommy." Humiga na ako sa kama ko at tinabihan ako ni Zoe.
After ten minutes, kumatok si mommy sa kwarto ko. Kakakuha ko pa lang ng tulog ko, ginising na agad ako.
"Nak, bumaba ka riyan. May bisita tayo." Pagtawag sa akin ni mommy. Bisita? Teka, sino 'yon?
"My, sino po 'yon?" Inaantok kong tanong kay mommy.
"Basta bumaba ka na diyan." Hays! Si mommy talaga! Sino naman kaya 'yon? Kailangan pa ba ako dun? Nakakaistorbo naman ng tulog 'yon!
Nagpalit muna ako ng damit. Habang nagpapalit ako naririnig ko yung mga kwentuhan nila sa baba. Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako.
"My, i'm here!" Sigaw ko. Biglang nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.
"You're so very beautiful my princess." Kumunot ang noo ko.
"Ikaw?!" Napasigaw ako sa kanya.
"Yes! I'm back!"
"Jacob Dela Cruz?! Bakit ka nandito?"
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
