Chapter 74

53 4 0
                                        

Grazziana's POV

Na excite naman ako sa sinabi ni Kevz kanina. Stress nga lang siguro ako. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako.


"Tara na! Andiyan na si Grazz!" Dinig kong sabi ni Nathan.


"Waaa! Ang ganda mo bes!" Puri naman ni Alex.


"Omg! Fashionista ka nga talaga bessy."


"Chix shet!" Napa-iling pa si James. Binatukan naman ni Kevz si James pero hindi inalis ni Kevz yung tingin niya sa akin.


Natawa naman ako ng biglang lumapit si Ayesha kay James na nakataas yung kilay at naka-cross arms. Bagay talaga sila.


"Oo na. Tara, alis na tayo!" Sambit ko sa kanilang lahat.


"Wait lang Grazz. Yung manliligaw mo oh! Muntanga na sayo!" Tinuro naman ni Perry si Kevz.


Nilapitan ko si Kevin at sinuntok siya ng pagkalakas lakas sa braso. "Magising ka sa katotohanan Kevin." Sabi ko at lumabas na ng bahay.


@Mall

"Uy! Doon tayo sa Timezone! Masaya doon!" Pag aaya no Perry.


"Umiiral na naman pagka childish mo, Perry."  Umiling si Clark.


"Hindi! Sa penshoppe na lang please!" Nag puppy eyes pa si Ayesha.


"Aish ayoko doon! Sa rusty lopez na lang! May gusto akong bilhin doon eh!" Sambit naman ni Alex.


"Ayoko doon Alex!" Sigaw ni Nathan kay Alex.


"Ano ka ba naman, Nathan! Pagbigyan mo na ako!"


"Walang kwenta yan! Sa Watsons na lang! May bibilhin ako doon!" Sambit ni Lexi.


"Ano? Wattson? Diba apelyido ko yon?" Pagbibiro ni Clark.


"Shunga! Watsons, bilihan ng mga make-up and skin care! Hindi apelyido mo!" Natawa si Lexi sa sinabi ni Clark.


"Sa CD-R King na lang! Bibili ako ng bago kong casing!" Sambit naman ni Kevin.


"Ang dami mo na ngang na-ipon na casing eh! Sa Calvin Klein na lang! Madami akong bibilhin doon!" Pag eepal naman ni James.


"Mamaya na yan! Sa Power Mac muna! Bibili ako ng bago kong phones!" Nakapamulsang sabi ni Clark.


"Wow! Phones?! Phones talaga? With S?" Komento ni Lexi.


"Oo, gusto mo bilhan kita? Bibili ako ng tag-isa namin ni Grazz, kay Ate Jin tapos sa parents ko."


"Yabang neto! Kevin oh!" Tawag ni Lexi kay Kevz.


"Oo! Narinig ko yon. Wala yan, dapat kami din!"  Napailing na lang ako sa kalokohan ni Kevin.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon