Grazziana's POV
"Oo! Ako nga." Cool kong sabi habang naka-chin up at nakalagay yung dalawang kamay ko sa magkabilang bewang ko.
"Tss. Ma! Sila ba yung sinasabi mong pupunta dito?"
"Oo anak. Bakit? May problema ba?" Mataray din na sabi ni Tita Josephine.
"Wala po." Takot din pala tong si Kevin kay Tita Josephine eh.
"Hello po Tita, Kit, Grace at Tito!" Bati ni Kevin kila Mommy. Hindi man lang ako binati! Bastos talaga!
Tumingin sa akin si Kevin. Yung tingin na nakakatunaw. Yung feeling mong sa tingin na yon ay mahuhulog ka na? O'sige na nga, guwapo naman siya.
"Hello babe!" Talagang isinigaw niya pa talaga dito!
"Babe your face! Tapos na ang isang linggo." Masungit kong sabi sa kaniya.
Yung mga pamilya naman namin dito, wagas kung maka-ngisi. "Hoy Kuya Kit! Wag kang ganiyan ha?! Hindi mo magugustohan ang ibabawi ko." Pananakot ko.
Bigla siyang namula. "J-joke lang." Nauutal niyang sagot.
"Ah, kuya Kit! Para hindi ka pala magalit sa akin, yung call sign namin ni Kevin na 'babe'... walang malisya. Kondisyon niya yon sa akin kasi.. basta! Secret na namin yon." Sabi ko sa kaniya at tumango lang siya.
Bigla akong inakbayan ni Kevin. "Tara bruha! Magluto tayo." Promise, naiirita ako kapag inaakbayan ako.
"Ugh! Bumitaw ka nga!" Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya. "Ah, so ganun? Bruha na ulit tawag mo sa akin?"
"Ayaw mo ng bruha? E'di babe na lang."
"None of the above ang gusto ko!"
"Sige, none of the above tara na!"
"Ginagago mo ba 'ko?" Inis na sambit ko. "Magluluto?! Hindi ako marunong mag luto. Hotdog at itlog lang ang alam kong lutuin. Saka nagluto na sila kuya Kit!"
Napansin kong tumatawa silang lahat. Tama ba yon? Pagtawanan nila akong lahat?!
Hinawakan ni Kevin yung kamay ko at hinila papunta sa kitchen. "Turuan kita."
Nandito kami ngayon sa kitchen nila. "So anong gagawin ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Umupo ka at magbalat ka ng bawang." Utos niya.
Habang nagbabalat ako siya naman nagluluto. Nang nagring yung phone ko. May tumatawag.
Sa sobrang pagmamadali ko, nahiwa ko yung daliri ko. "Ah!"
Hinayaan ko lang yung kamay ko na dumudugo at kinuha ko yung phone ko.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...