Grazziana's POV
"Saan ba tayo pupunta Kevin?!" Tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin.
Nang nakarating kami sa garden agad niya naman akong hinarap sa kaniya. "Bakit mo ginawa yon? Yung pag nominate sa akin sa adonis?" Tanong niya sa akin. Pero 'di na sya masyadong galit. Mahinahon lang siya.
Ngumiti naman ako sa kaniya. "Kasi gusto ko kapag magpaparade tayo, kayong dalawa ang starring." Napatakip naman ako ng bibig.
Napakunot naman yung noo niya. "Tss. Ayoko ro'n sa babaeng yon eh! Ayaw na ayaw!" Sigaw niya sa akin.
"Bakit ba? Hindi naman porke adonis at muse kayo eh may gusto na kayo sa isa't isa. Pero infairness, bagay kayo." Pang aasar ko pa sa kaniya at kinindatan ko siya.
"Bakit naman kami naging bagay? Ano ba yan!" Iritang irita niyang sabi.
"Kasi bully siya at bully ka. Kaya bagay kayo. Lagi niyo kasi akong binubully eh." Ngumiti ako sa kanya yung pang asar ba.
"Tss." At inirapan ako.
"Yie! Kilig ka, ano?" At tinutusok tusok ko yung tagiliran niya. At parang naasar nga.
"Tumigil ka nga! Hahalikan kita riyan eh!" Sigaw niya sa akin at bigla na lang akong napatigil. "Yan lang pala ang katumbas para tumahimik ka eh."
"Ahm, ano pala, ahmm. Thank you sa pagvote sakin as president ah?" Pag change ko ng topic.
"Wala yon! Pero hindi ako nagpapasalamat na ninominate mo ako bilang adonis!" Sigaw niya sa akin. "Okay sanang maging adonis ako ----" Hindi ko na marinig yung binulong ni Kevin kasi bigla kaming tinawag nila Nathan.
"Grazz! Kevin!" Sigaw nila sa amin.
"Kanina pa namin kayo hinahanap ha?! Andito lang pala kayo sa garden!" Sigaw ni Nathan.
"Pasensya na. Dito ako dinala ni Kevin eh." Sabi ko.
"Tss." Sabay sabay pa talaga silang nagsabi nun ha? Maliban lang kay Clark. Nakatingin lang si Clark kay Kevin ng masama at gano'n din si Kevin kay Clark.
"Oh, masusugat kami niyan dahil sa talim ng titigan niyo riyan ah!" Pag awat ni James at humarang sa kanilang dalawa.
At bigla naman silang nagsiiwas ng tingin. Tinignan ko si Clark na pinunasan yung sinuntok ni Kevin sa gilid ng labi niya.
Nilapitan ko si Clark. "Okay ka lang? Tara sa clinic." Sabi ko kay Clark. At tumango naman siya.
──●◎●──
Clark's POV
"Okay ka lang? Tara sa clinic." Nagulat na lang ako sa sinabi ni Grazz. Pero hindi naman ako nakatanggi. Basta kapag siya kasi. Malakas 'to sa akin.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Novela JuvenilBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...