Chapter 69

49 4 0
                                        

Grazziana's POV

Ano ba yan! Saan na kaya si Nathan at Alex?! Kahapon lang noong tumakas si Alex at umalis si Nathan. Sabi kasi ni Nathan, hahanapin niya si Alex. Hanggang ngayon wala pa ding Nathan at Alex na nag paparamdam sa amin. Asan na kaya yung dalawang yon? Baka may masamang nangyari na sa kanila? Wag naman po sana.


"Pwede ba Grazz? Umupo ka lang at mag relax diyan. Okay?" Iritang sabi ni James.


"Nahihilo ako sayo Grazz." Natatawang sambit ni Clark.


"Hoy pangit na nerd! Chillax!"


Binato ko ng unan si Kevin. "Manahimik ka riyan Kevin! Kung panget ako e'di sana hindi mo ako nagustuhan! Diba sabi mo ang mga type mong babae, yung... Yung maganda at sexy?!" Nilagay niya yung isa niyang daliri sa labi ko.


"Ikaw ang manahimik diyan. Tandaan mo, minahal kita nang ganiyan. Kaya wag kang magbabago ha? Minahal kita kung ano ka talaga at mamahalin pa kita habang buhay."


Napalunok na lang ako dahil nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.


"Nako! Ang aga aga, ang cheesy niyo! Pwede bang itigil niyo yan?" Inis na sabi ni Clark.


"Selos ka lang!" Sabay sabay na sigaw nila Kevin, James at Perry kay Clark.


"Chill, guys." Tinaas ni Clark yung mga kamay niya na parang pinipigilan sila.


"Tsk! Tsk! Tsk!" Pa-iling iling na sabi ni Kevin. Tss, ano naman problema ne'to?


"Hoy! Wag mo akong pag-initan ng ulo dito Kevin! Na sa iyo na nga si Grazz magagalit ka pa sa akin. Tsk!" Sigaw ni Clark kay Kevin na natatawa.


"Wala akong sinasabing mainit ang ulo ko sayo hoy! 'Di ba pwedeng pino-protektahan lang muna si Gr--"


Naputol ang sasabihin ni Kevin sa nag door bell. Hay! Thank you sayo visitor at tumigil na yung dalawang ugok na nag aaway.


Agad akong lumabas at nagbabakasakaling si Nathan na yon. Nakahinga ako ng maluwag nang si Nathan nga yung nakita ko.


"Nathan!" Sigaw ko.


Nagulat ako nang biglang sumulpot si Alex. Hindi ko napigilan yung sarili kong yakapin siya. "Alex! Kamusta ka? Na-miss kita! Okay ka na ba? Sabihin mo la--"


Naisip kong galit pala si Alex sa akin. Dahil sa ginagawa ko ngayon, baka magalit siya. "Sorry Alex." Napayuko ako.


Nagulat ako nang yakapin ako ni Alex pabalik habang humihikbi.


"Grazz. S-sorry sa lahat. Sorry. Please... Please forgive me." Mas hinigpitan niya yung pagyakap niya sa akin.


Niyakap ko din siya. "Matagal na kitang napatawad Alex." Ngumiti ako.


"Sorry talaga Grazz."

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon