Chapter 13

109 10 0
                                        

Uwian na namin. Buti naman dahil gustong gusto ko na umuwi, kaso hihintayin ko pa si Kuya kasi siya ang magdridrive ng kotse. Nakita ko silang anim sa labas ng campus at nag uusap. Ano kaya pinag uusapan nila? Nacurious ako kaya pumunta ako sa likod nila pero hindi nila ako nakikita.


"Pre, delikado ngayon!" Sabi ni Nathan sa kanila. Ano naman ang delikado?


"Nakita mo ba talaga yung isang member kanina?" Tanong ni Clark kay James.


"Oo! Nakashades tapos naka leather jacket na itim. Nakatingin sa atin kanina. Tapos no'ng tinawag ko kayo, pagkalingon ko wala na siya." Sabi ulit ni James sa kanila. Ano naman kayang nangyayari? Naguguluhan ako.


"Oh, anong plano Kevin?" Tanong ni Perry kay Kevin habang si Kevin sa sahig na para bang nag-iisip.


"Mahabang kwento ang nangyayari sa grupo natin at grupo nila. Matagal na din itong magkalaban. Ang kailangan lang natin ngayon, mag ingat." Sagot ni Kevin sa kanila. Hindi ko talaga maintindihan! Anong grupo grupo naman 'yang ginagawa nila?


"Tama, mag ingat na lang tayo. Kung isa sa inyo ang napahamak, tawagan niyo agad kami kung asan kayo." Sabi naman ni Clark. Teka, okay na ba si Kevin at Clark?


"Sinong pupunta sa hideout para tignan sila?" Tanong ni Kevin sa kanila. Sila? Sinong sila?


Nagtaas si Kuya, Perry, Nathan at James ng kamay.


"Hindi ka sasama sa kanila Clark?" Tanong ni Kevin.


"Hindi. Marami akong gagawin." Sagot ni Clark.


"Magpaalam na lang ako kay Grazz. Sasabihin kong umuwi na lang muna siya nang mag isa." Sabi ni Kuya at tumango lang sila. Uuwi ako mag isa? Sanay naman ako saka malapit naman yung bahay namin dito sa school eh.


"Ikaw Kevin? Bakit hindi ka sasama?" Tanong ni Nathan.


"Hindi. May importante akong pupuntahan. Delikado eh." Sagot ni Kevin.


Nakita kong papaalis na si Kuya sa pwesto niya. I'm sure sa akin pupunta yan kasi magpapaalam siya. Kaya umalis naman din agad ako sa pwesto ko para hindi ako mahalatang nakikinig ako sa kanila. Pumunta ako sa waiting area kasi medyo malayo layo din yung distansya ng waiting area sa gate ng campus.


Kunwari'y nakaupo ako 'don at naghihintay. Hindi ko na lang ipinakita na hinihingal ako kasi baka pagalitan niya ako. Strikto pa man din 'to!


"Manang!" Sigaw ni Kuya Kit sa akin. Kung makasigaw siya, parang taga bundok!


"Tara, uwi na tayo?" Kunwaring tanong ko.


"Hindi ako makikisabay sayo. May pupuntahan ako. Mauna ka na. Kukunin ko yung kotse ko. Mag ingat ka ah?" Sabi ni Kuya sa akin. Pasaway talaga!


"Eh, saan ka ba pupunta? Yung totoo."


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon