Grazziana's POV
Pagkadating na pagkadating namin, nag ayos agad sila ng tent at gamit. Bale apat na tent ang ginamit namin. Nag usap-usap sila kung sino mga katabi nila.
"Katabi ko si Ayesha." Sabi ni James at kumindat pa.
"Eww! Mas gusto ko na lang lamunin ako ng halimaw kesa makatabi ka! Baka itakwil agad ako ng parents ko eh." Nag cross arms na sabi ni Ayesha. Pero napakunot yung noo namin sa huling sinabi niya.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ko.
"Baka mabuntis ako ng manyak na yan eh!" Nagtawanan na lang kami sa sinagot ni Ayesha.
"Woah! Wala akong balak sayo babe. Kahit playboy ako, may respeto naman ako sa taong mahal ko." Chill na sabi ni James.
Oo, kahit playboy nga si James alam kong hindi niya lolokohin o balaking gawin kay Ayesha. Nakikita ko sa mga kilos at mata nila, talagang mahal nila ang isa't isa.
Natapos ang matagalang pagdedesisyon sa makakatabi namin dahil sa sobrang kulit nilang lahat—este kaming lahat.
Bale sa Tent 1, ang magkakatabi ay sina James, Nathan at Perry. Sa tent 2, si Kuya Kit, Clark at Kevin. Sa tent 3 naman, ako, Ayesha at Lexi. At sa tent 4, si Ate Kat, Lia at Alex.
Pero syempre mamaya pa yang tulog tulog. Mag bobonfire party pa kami, ano.
Gumawa si Kuya Kit at Kevin ng bonfire at tumulong din yung ibang mga lalaki. Kami namang mga babae naghahanda ng pagkain. Ako, nagluluto ng barbecue.
"Maayos na!" Sabi ni Kuya Kit sa amin.
"Bonfire party!" Exciting na sabi ni Alex at nagsigawan din sila Lia at Ayesha.
Pinalibutan na naming lahat yung bonfire. Bale ang set-up nito nasa gitna ang bonfire at Clark, Ako, Kevin, Ate Kat, Kuya Kit, Lexi, Alex, Nathan, Perry, Lia, Ayesha at James na ang katabi na ay si Clark.
May hawak hawak kaming barbecue stick na may marshmallow sa dulo at pinapainit namin sa bonfire.
"Oh, anong gagawin natin?" Bagot na sabi ni Nathan.
"Matulog." Humiga si Kevin sa buhangin.
"Gano'n na lang? Ang boring ng buhay mo, Kevz!" Sabi naman ni Clark.
"Truth or Dare na lang!" Masayang sabi ni Lexi.
"Sige Lexi, ilagay mo sa gitna yung bote siguradong sunog yan." Bagot din na sabi ni Clark.
"Ay oo nga?" Napakamot si Lexi sa ulo niya.
"E'di truth na lang lahat!" Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Roman pour AdolescentsBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
