Chapter 41

42 3 0
                                        

Grazziana's POV

Napakaboring talaga ng klase ngayon. Si Clark at Kevin naman magkaaway. Ano ba kasing problema nila? Lagi na lang silang nag-aaway.


Nakakapanlumo talaga. Parang wala akong kagana ganang mag-aral ngayon. Sobrang tahimik kasi ni Mr. Bully eh. Hay puta! Ba't ba si Kevin ang iniisip ko!


Dahil sa sobrang awkward ng atmosphere naming tatlo nila Clark at Kevin, mangaasar muna ako.


Kinalabit ko si Kevin. "Psst." Nakangiti kong sabi. "Bakit hindi mo 'ko inaasar?"


"Aba! Gusto mo talagang ibully kita?" Natatawa niyang sabi.


Nagpout ako at tumawa na naman siya ng malakas. "Hindi ko naman sinabing ibully mo ako. Tinatanong ko lang kung bakit wala ka sa mood mangbully?"


"Wala. Trip lang." Tumahimik na naman.


Kaya si Clark din ang kakausapin ko ngayon. Tutal, magkakatabi naman kaming tatlo eh. "Okay ka lang Clark?"


"Pag nakikita kita, okay na ako." Nakangiti niyang sabi sa akin. Nginitian ko lang siya. Pinisil niya yung pisngi ko at ginulo yung buhok ko.


"Nilalanggam na kami dito Clark at Grazz. Tama na." Sabi ni James.


"Sa sobrang sweet niyo pati tao nilalanggam na." Pang aasar ni Nathan. Habang si Perry at Clark tumatawa lang. Ako naman ay ngumingiti lang.


"Tss." Narinig kong bulong ni Kevin pero hinayaan ko lang.


"Grabeng landi!" Parinig ni Nicole.


"Hindi na nga pinapansin, nagpapapansin pa." Sabi pa ni Veronica.


"Sino?" Inosenteng tanong ni Jhellyn.


"Of course, si Nerdy Girl lang naman." Maarteng sagot ni Nicole.


"Ah." Boring na sambit ni Jhellyn.


"Hey! Stop! Wag niyo ngang ganyanin si Grazz!" Sigaw ni Jacob sa kanila.


"Hey you! Jacob! Wag kang mangialam dito. At wala naman kaming sinasabi na si Grazz yon ah. Ikaw lang ang nag-iisip na si Grazz yung tinutukoy namin but she's not." Bwisit 'tong Nicole na 'to. Kahit hindi niya naman sabihin na ako yon, alam ko namang ako yung tinutukoy niya.


Biglang pumasok yung adviser namin. "Ms. Rodriguez. Go to the Guidance Office."


Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Ano naman kaya yung nagawa kong kasalanan at napatawag ako sa office?


"Okay ma'am." Sagot ko.


"Maya na lang." Bulong sa akin ni Clark.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon