Perry's POV
Akala ko busy si Lia? Sabi niya may gagawin siya? So ayon pala? Busy siya kasi kasama niya yung lalaki niya?! Wow lang ha?!
Naglakad ako papunta kila Lia. "Wait lang dude! Wag ka muna mag isip ng iba diyan. Malay mo pinsan niya o kamag anak niya lang yan." Pag pipigil sa akin ni Clark.
Tama si Clark.
"Dapat puntahan natin si Lia ng maayos." Sabi naman ni Grazz.
Lumapit nga kami sa kanila.
"Lia!" Sigaw ni Grazz.
Paglingon ni Lia, nagulat siya nang makita niya kami. Naiinis ako!
"G-Grazz? B-bakit kayo n-nandito?" Nauutal na sabi ni Lia. Shet lang, nakakahalata siya.
"Bonding. Sino yang kasama mo Lia? Saka bakit hindi ka nakisama sa amin?" Nakangiting sabi ni Ayesha kahit inis na inis na siya. Hindi kay Lia kun'di sa lalaki.
Nagulat kaming lahat nang akbayan nong lalaki si Lia. "Hello! I'm her boyfriend." Mayabang na sabi noong gagong 'yon. Halatang nagulat si Lia sa sinabi nong lalaki.
Hinila ko yung kwelyo nung lalaki. "Tangina mo! Hindi mo ba alam na girlfriend ko yang pinagmamayabang mo?! Shit ka! Nauna ako! Wag mo 'kong agawan!"
"Perry! Wait!" Pag pipigil ni Lia
"Calm down, Perry!" Sabi naman ni Grazz.
"Dude! Dude! Tigil na!" Sabi ni Clark na pinipigilan ako sa kaliwang kamay ko.
"Relax ka lang dude. Wag kang masyadong paapekto diyan sa gagong yan. Tatawanan ka niyan kung ganiyan inaasal mo." Bulong naman ni Kevin na pinipigilan din ako sa kanang kamay ko.
Kinalma ko saglit yung sarili ko. "Oh, tapos ka na?" Pang aasar na sabi nong lalaki.
Niyukom ko yung kamao ko sa sobrang inis ko.
"Come 'on Lia." Hinila nong lalaki si Lia. Kapal ng pagmumukha 'non!
"Wait! Kakausapin ko muna si Perry!"
"Your mom is waiting us!"
"No! Hindi pa alam ni Perry yung about dito!"
"Sapat na yon na nakita niya!"
Hinila ulit nong lalaki si Lia pero agad pumiglas si Lia.
"Ano ba! Ayaw kong sumama sayo!"
"Lia! Makinig ka sa akin! Uuwi na tayo!" Hinila ng mahigpit nong lalaki si Lia. Pilit na kumawala ni Lia pero hindi niya na magawa dahil sa sobrang lakas na ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Bully Has Fallen (Bully Series #2)
Teen FictionBULLY SERIES #2 Kevin Ervan Sarellano was known as the senior Campus Bully in Ashton University. He's the leader of the group "Bad New Boys" - a group composed of six bullies that is always involved in fights, violence and troubles. Until he met Gra...
